^

Punto Mo

Ang Doppelganger  

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

SI Emilie Sagee ay isang magandang guro na taga-Dijon France. Nagtuturo siya sa isang exclusive girls’ school noong 1845. May isang pangyayari na alam ng mga estudyante niya na siya ay nasa school garden. Sa katunayan, natatanaw nila ito mula sa bintana ng kanilang claasroom. Pero at the same time, may isang Emilie na basta na lang lumitaw at umupo sa teacher’s chair na nasa unahan ng classroom. Wala itong kagalaw-galaw. Noon ay wala silang alam tungkol sa “doppelganger” o ka-double na kaluluwa ng buhay na tao.

Nilapitan ng ilang estudyante ang Emilie na nakaupo sa teacher’s chair. Hinipo nila ito pero lumusot lang ang kanilang kamay sa katawan ni Emilie dahil walang physical mass. Parang lumusot ang kanilang kamay sa isang visible na sinag ng ilaw. Pero naroon ang sensation na bumangga ang kanilang kamay sa isang invisible na makapal na tela.

Tumakbo sila palabas ng classroom upang ang lapitan naman ay ang Emilie na nasa garden. Hinawakan nila ito sa kamay. Nagulat si Emilie!

Bakit? tanong nito sa mga estudyante.

Tinetesting namin kung sino ang multo sa inyong dalawa?

Anong pinagsasasabi ninyo?

Mam, tingnan mo, (itinuro ang Emilie na nakaupo sa teacher’s table) may kakambal ka sa loob ng classroom pero multo siya!”

Nagulat si Emilie. Simula noon nag-research siya tungkol sa hiwagang nangyayari sa kanya, at noon niya nalamang may doppelganger siya. May lumabas na mga balita na nakikita siyang nagtuturo sa iba’t ibang girls’ school. Nangyayari iyon habang nagtuturo siya sa school na kasalukuyan niyang pinaglilingkuran. Kahit kailan, hindi siya nag-aplay sa ibang school.

Sa school na pinaglilingkuran ng totoong Emilie, nakikita ng kanyang mga estudyante na katabi nito lagi ang doppelganger. Ginagaya ng “twin” ang bawat kilos ni Emilie. Ang nakapagtataka, habang ginagaya siya ng kanyang “twin”, hindi niya ito nakikita. Mga estudyante lang niya ang nagsasabi.

Kumalat ang tungkol sa doppelganger ni Emilie hanggang sa kaalaman ng mayayamang magulang ng mga estudyante. Inalis nila sa eskuwelahan ang kanilang mga anak. Nabahala ang mga ito. Ang mga tao pa naman, kapag hindi maunawaan ang isang pangyayari, ituturing agad nila itong gawa ng demonyo.

Mabait, matalino at magaling na guro si Emilie ngunit wala silang choice kundi tanggalin ito sa kanilang paaralan bago lumayas ang lahat ng kanilang estudyante. Simula noon wala nang balita tungkol kay Emilie Sangee.

STUDYANTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with