^

Punto Mo

‘Half sister’

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

SI Tessa ang unang bumitaw sa relasyon nilang mag-asawa. Nagkaroon siya ng relasyon sa ibang lalaki at mas pinili niyang iwanan ang kanyang mag-ama at sumama nang tuluyan sa kanyang bagong lover dahil nabuntis siya nito.

Mag-isang itinaguyod ni Larry ang kanyang anak na babaeng si Nika hanggang sa ito ay nakatapos ng pag-aaral. Dumating ang panahong nagkaroon na rin si Larry ng girlfriend at nagkaroon ng isang anak na babae. Nagkataong namatay ang girlfriend ni Larry kaya kinuha niya ang sanggol at itinira sa bahay nilang mag-ama. Noon ay may trabaho na si Nika kaya siya ang tumulong sa pagpapalaki ng kanyang kapatid sa ama. Napamahal na si Baby Cindy kay Nika at minahal ito bilang “buong” kapatid.

Isang araw nalaman na lang ni Nika na nagkabalikan ang kanyang ama’t ina. Matagal na palang hiniwalayan ang kanyang ina ng lover boy nito. At ang siste, ilang buwan na palang nagsasama ang kanyang ama’t ina nang hindi niya namalayan. Kaya pala may pagkakataong hindi umuuwi ang kanyang ama sa bahay nila. Ang bahay na tinitirhan nilang mag-ama ay naipundar ni Nika matapos na ito ay makakuha ng magandang trabaho.

Bagama’t nagkapatawaran na sina Tessa at Larry, si Nika ay suklam pa rin sa kanyang ina. Napilitan lang siyang patawarin ang ina nang nagsusumamong lumuhod ang kanya ang ama na patawarin na si Tessa. Kahit napipilitan ay tinanggap na muli ni Nika ang ina. Naging “civil” si Nika tuwing dinadala ni Larry si Tessa sa kanilang bahay.

Nagbakasyon sa probinsiya ang maid ni Nika kaya walang nakakasama si Cindy na grade one na noon kapag nasa opisina ito. Nagprisinta si Tessa na ito na muna ang mag-aasikaso kay Cindy habang wala ang katulong. Lingid sa kaalaman ni Nika, tumatayming lang pala ang ina para isambulat ang sama ng loob nito sa kanya. Nagkaroon ito ng tiyempo minsang sila lamang ang tao sa bahay.

“Nika, anak...naging unfair ka sa kapatid mo.”

“Sino hong kapatid?”

“Yung anak ko.”

“Paano ako naging unfair ?”

“Bakit si Cindy... minamahal mo, pero yung anak ko, gusto lang makipagkilala  sa iyo pero tinanggihan mo?”

“Teka ho muna (hindi niya matawag na Mommy ang ina simula ng iwan sila nito), bago mo ako paratangan ng pagiging unfair, may itatanong ako sa iyo: Naging fair ka ba noong iniwan mo kami ni Daddy at mas pinili mong sumama sa lalaking iyon? Nakukunsensiya ka ba at naiisip mo ba ako, sa tuwing kinakarga at inaalagaan mo ang iyong anak? Minamahal ko si Cindy dahil nakita ko sa kanya ang aking sarili noong panahong walang inang kumakalinga sa akin. Hindi na kailangan ng iyong anak ang pagkilala ko sa kanya dahil sobra na niyang pinakyaw ang iyong buong panahon at pagmamahal na ipinagkait mo sa akin.

At kung sasabihin mong pinagsisihan mo ang iyong ginawa, its too late, matagal ka nang wala rito sa puso ko. Pinagbigyan ko lang si Daddy na maging “civil”sa iyo tuwing dumadalaw ka rito sa bahay ko. Tapos may gana ka pang manumbat sa akin? The nerve!”

SISTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with