^

Punto Mo

POGO at human ­trafficking

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

NASA 58 porsiyento ng mga krimeng may kinalaman sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) eh mga kaso ng human trafficking, base ito sa data buhat sa National Bureau of Investigation (NBI).

Dahil dito, kaya nais ni Senator Sherwin Gatchalian na maimbestigahan itong mabuti. 

Sa pamamagitan ng Senate Resolution 611, partikular na pinasisilip ng senador ang napaulat na human trafficking sa loob ng Clark Freeport Zone na iniuugnay sa   POGO. 

May kinalaman naman ito sa ikinasang raid ng mga awtoridad noong nakaraang May 4 sa isang pinaghihinalaang POGO hub sa loob ng Clark Freeport Zone.

Dito umano nasagip ang mahigit sa 1,000 indibiduwal na iba’t iba ang nasyunalidad.

Kinabibilangan nga ito ng nasa 389 Vietnamese, 307 Chinese, 171 Filipinos, 143 Indonesians, 40 Nepalese, 25 Malaysians, 7 Burmese, 5 Thai, 2 Taiwanese at 1 mula sa Hong Kong. 

Natuklasan din na ang mga dayuhan umano ay pwersahang pinagtatrabaho sa isang “fraudulent cyber-enabled industry” kung saan ang modus ay himukin ang mga mabibiktima na mag-invest sa crypto currency. 

Itinuturing na heinous crime ang human trafficking, at kung magtutuluy-tuloy ang ganitong operasyon na mismong sa bansa pa natin isinasagawa, aba’y hindi nga ito dapat payagan.

Baka kasi nagiging maluwag tayo sa mga aktibidad ng POGO at ang ganitong mga gawain eh hindi na napapansin hanggang sa tuluyang lumala.

Kasi nga dito pa sila naglulungga.

Binigyang diin sa resolusyon ng senador ang pangangailangan na masuri ang framework ng POGO operations sa bansa, ang paglaban para masugpo ang mga POGO-related crimes.

Kung hindi ito matututukan at patuloy na mamayagpag posibleng nga namang magkaroon ito ng seryosong implikasyon sa national security ng bansa.

Hindi lang yata sa human trafficking ang dapat na matutukan sa mga krimeng ugnay sa POGO, kasi nga nandyan din ang kidnapping at illegal detention.

Panahon na marahil para timbangin ang pakinabang ng bansa sa POGO at ang perwisyo na dulot nito.

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with