^

Punto Mo

Biktima ng sariling kalupitan

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NOONG gabi ng Marso 1, 1953, ang diktador ng Soviet Union na si Joseph Stalin ay nakipag-inuman sa kanyang mga cronies hanggang 4:00 a.m. Ang normal niyang habit ay gumigising siya ng alas dose ng tanghali pero hindi iyon nangyari.

Lumipas ang maraming oras pero hindi pa rin lumalabas sa kanyang pribadong tirahan. Nagpa-panic na ang kanyang aides. Baka kung ano nang nangyari sa kanilang amo pero at the same time, takot silang pasukin ang bahay nito. Bawal pumasok sa apartment nito nang wala itong sinasabi. Malupit si Stalin. Basta na lang niya binabaril ang aides na nang-aabala sa kanya.

Sumapit ang 10 :00 p.m. pero wala pa ring Stalin na lumalabas sa apartment. Naglakas-loob ang aides na buksan ang apartment. Tumambad sa kanila ang nakahandusay na katawan ng diktador sa salas. Buhay pa naman pero paralisado ang katawan, hindi makapagsalita dahil na-stroke. Hindi pa rin makapagdesisyon ang aides kung tatawag ba sila ng doktor. Kung tumawag naman ng doktor, may sasama ba sa kanila?

Lahat ng doktor ay takot na gamutin siya. Bago maganap ang stroke, ipinaaresto ni Stalin ang kanyang personal doktor dahil nagsabi lang ito na maghinay-hinay siya sa pagtatrabaho dahil malala na ang arterio-sclerosis nito. Ilang doktor pa ang inaresto at ipinapatay dahil hindi niya gusto ang mga pinagsasasabi ng mga ito tungkol sa kanyang kalusugan.

Kaya ang ginawa ng aides ay inayos lang ang pagkakahiga ni Stalin sa sofa at saka iniwan. May sinasabi ito ngunit hindi nila maintindihan. Kinabukasan pa ng 8:00 a.m. tumawag ng doktor ang mga anak na noon lang sinundo ng mga aides. Natagalan bago nabigyan ng lunas ang malupit na diktador kaya pagkaraan ng apat na araw, ito ay tuluyan nang pumanaw.

Ayon sa anak na babae, ang kanilang ama ay nakaranas ng slow and painful death. Sa kabilang banda, may bulung-bulungan na pinagkaisahan siya ng mga doktor na tuluyan na itong patayin dahil kapag nabuhay pa ito at gumaling, delikadong mag-order ito na patayin silang lahat kasama ang aides na nagpabaya sa kanya.

SOVIET UNION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with