^

Punto Mo

Pinakamahal na ice cream sa buong mundo, mabibili sa Japan!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAKAPAGTALA ng bagong Guinness World record ang Japanese ice cream brand na Cellato dahil sa napakamahal na ice cream nito na nagkakahalaga ng 880,000 yen!

Noong Abril 25, kinumpirma ng Guinness organization na ang ice cream ng Cellato na Byakuya ang may hawak ng titulong “World’s Most Expensive Ice Cream”.

Ang Byakuya ay gawa sa milk, two types of cheese, egg yolks, at sake leek. May toppings ito na Parmigiano cheese, white truffle, truffle oil, at gold leaf.

Nagkakahalaga ang Byakuya ng 880,000 yen bawat 130ml. Nakalagay ito sa eleganteng kulay itim na kahon na may kasamang kutsara na handmade ng mga metal craftsmen mula Kyoto.

Maraming nag-aakala na ang kutsara ang dahilan kaya mahal ang presyo ng ice cream, ngunit napag-alaman na ang toppings nitong white truffle ang pinakamahal na ingredient dahil inangkat pa ito mula Alba, Italy.

Inirerekomenda ng Cellato na kainin ang ice cream habang umiinom ng white wine.

Sa kasalukuyan, sa Japan lamang available ang ice cream at mabibili ito sa website ng Cellato.

 

ICE CREAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with