^

Punto Mo

Health tips  

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Ang 20 minutong pagpapaaraw per day ay nakakatulong sa ating katawan para maglabas ito ng mahigit na 200 microbials na panlaban sa fungi, parasites at viruses. Sa panahon ngayon na sobrang taas ng heat index, ang pinakaligtas na oras ng pagpapaaraw ay alinman mula sunrise hanggang 8:00 a.m.

• Ang pagkain ng dalawang saging araw-araw ay nakapagpapababa ng blood pressure ng may alta presyon, maiiwasan na magkaroon ng anemia, nagpapatibay ng buto, nagpapababa ng tsansang magkadepresyon, nakakatulong para di mahirapang mag-quit sa paninigarilyo at nagdudulot ng sapat na energy.

• Iba’t ibang gamit ng honey:

a. Panlunas sa sipon: 1 kutsara honey + 1 kutsara katas ng lemon/kalamansi

b. Panlunas sa sinusitis: 2 kutsara apple vinegar + 1 kutsarang honey

c. Pampapayat : 1 kutsarang honey + kalahating kutsarang cinnamon powder

d. Ubo: 8 kutsarita honey + 4 kutsaritang katas ng lemon

• Ang buto ng pakwan ay mataas sa protina, taglay ang good fat, mayaman sa minerals kagaya ng magnesium, zinc, at copper.

• Ang regular na pagmasahe ng batok ay nakakatulong para maiwasan ang pagkahilo at wrinkles. Magagawa mo ito sa sarili at hindi nangagailangan ng masahista.

• Ang 10 minutong pagpapamasahe ng buong likod ay nagpapababa ng blood pressure, anxiety, nagpapahimbing ng tulog at nakakatulong upang makapag-isip nang malinaw kung may gagawing importanteng desisyon.

HEALTH TIPS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with