^

Punto Mo

EDITORYAL- Ibalik sa Abril at Mayo ang school break

Pang-masa
EDITORYAL- Ibalik sa Abril at Mayo ang school break

SOBRANG init ng panahon. Patindi nang ­patindi. At sa nangyayaring ito na umaapoy ang temperature, walang ibang kawawa kundi ang mga estudante. Nakababad sila sa classroom na mainit at walang bentilasyon. Kaya marami sa mga bata ang hinihimatay sa init.

Halimbawa ay ang nangyari sa Occidental Min­doro noong nakaraang linggo. Sampung estudyante ang hinimatay at nakaranas ng pagkahilo habang nasa klase. Tatlong eskuwelahan sa Occidental Mindoro ang nakaranas ng pagkahimatay ang mga ­estudyante. Ang sobrang init ng panahon na sinabayan pa sa problema ng kuryente sa probinsya ang dahilan kaya maraming nahihimatay na estudyante. Isinugod sa ospital ang mga hinimatay na estudyante.

Ang nararanasang init ang naging daan para sabihin ni President Ferdinand Marcos Jr. na pag-aaralan niya na ibalik sa Abril at Mayo ang bakasyon ng mga estudyante. Sa bagong school calendar, Hulyo at Agosto ang bakasyon ng mga estudyante. Ginawa iyon dahil panahon daw ng tag-ulan at bagyo ang mga nabanggit na buwan.

Ayon sa Presidente, maari namang baguhin ang school calendar. Madali na umanong desisyunan ito. Hindi na raw masabi ngayon kung kailan mag-uumpisa ang ulan at kung kailan magiging mainit. Pag-aaralan umanong mabuti ang balak na pagbabalik sa Abril at Mayo ang bakasyon ng mga estudyante para hindi magdusa sa nagbabagang init.

Mas makabubuti kung ibabalik sa Abril at Mayo ang bakasyon. Ayon sa PAGASA, sa mga buwan na nabanggit nakararanas nang mataas na heat index ang maraming lugar sa bansa. Maiimadyin kung gaano kainit sa classroom sa mga buwan na ito. Nagbabaga nang todo. At wala namang sapat na electric fan ang mga pampublikong eskuwelahan. Maski tubig na inumin ay wala sa mga classroom kaya nagdurusa ang mga estudyante.

Ibalik ang dating vacation break ng mga ­estudyante para makaiwas sila sa sobrang init ng panahon. Iligtas ang mga estudyante sa pagkakasakit dulot nang ­matinding init. Hindi sila dapat magdusa sa mala-oven na classroom. Marami pa namang paraan para hindi sila mababad sa nakakatustang init.

SCHOOL BREAK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with