Ang milagro sa Akita, Japan (Last part)
ANG estatwa ng Birheng Maria sa chapel ng Institute of the Handmaids of the Holy Eucharist na matatagpuan sa Akita, Japan ay nagpakita ng sunud-sunod na milagro, una ay kay Sister Agnes Katsuko Sasagawa, 42.
Nang magtagal, nasaksihan na rin ng buong pamunuan ng mga madre at isang bishop ang aparisyon. Isang buwan pa lang siya noong nakapapasok sa kumbento bilang nobisyada nang pagpakitaan siya ng milagro ng Birhen.
Ang estatwa ng Birhen na yari sa kahoy ay nagsalita sa kanya at nagbigay ng mensahe. Nang dumugo ang kamay ng estatwa, ang kamay ni Sister Agnes ay bigla ring nagkaroon ng sugat na korteng krus at nilabasan ng dugo.
Bago pumasok na nobisyada, matagal nang bingi ang parehong taynga ni Sister ngunit himalang gumaling siya at bumalik ang pandinig.
Sa harap ng buong pamunuan ng mga madre at isang bishop, ang estatwang kahoy ay nagluha at ang buong katawan ay nilabasan ng pawis. Ipinalabas ng TV Tokyo Channel 12 sa buong mundo ang pagluha ng estatwa noong Disyembre 1973.
Matapos ang masusing imbestigasyon sa loob nang maraming taon, ang Akita apparition ay binigyan ng approval ng Holy See o pamunuan ng Catholic Church noong 1988 base sa guidelines ng Catholic Church.
“Miracles are not contrary to nature but only contrary to what we know about nature.” — St. Augustine.
- Latest