^

Punto Mo

Nagluluwag ng ­sinturon ang mga ­henyo sa Customs

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

MARAMI na raw nabago si BoC Commissioner Bienvenido Rubio magmula ng i-reshuffle nito ang mga opis­yales sa magkakaibang collection district na sa palagay niya ay maaring pagkatiwalaan sa pangungulekta ng tamang buwis. Sana naman!

Ayon sa “maingay na gansa” na nagtatampisaw sa paligid ng BoC, mga posisyon at assignment lang diumano ang nagbago pero ang mga ginagawi ng mga batikang “collector-tarador” ay binaon pa rin nila sa bagong teritoryo. Mas tumaas pa raw kaysa dati ang level nila ngayon. Kaya pala nagpaluwag ng sinturon ang ilan sa mga district collector, he-he!

Dumaraing na ang mga importers dahil napilitang magtaas ng presyo ang mga customs broker sa bawat cargo containers na dumarating. Pinaigting ni BoC Comm. Bien Rubio ang pagpapataas ng koleksyon ng buwis para maabot ang yearly target collection. Hhmrrmm!

Batikang customs law enforcer si Rubio kaya hindi nila ito basta-basta mabubulag. Pero tandaan ni Rubio na marami rin sa mga batikang customs brokers at kakutsabang opisyales at examiners ng assessment division ang magagaling magpalabo ng mata. Baka mauwi sa ka“tara”ta. Delikado ‘yan

Umiikot pa rin diumano ang mga “hao-siao-taradores” sa loob at labas ng BoC na kung pumorma ay talo pa ang totoong Customs Intelligence personnel at customs police. Timbugin mo na Sir!

BIENVENIDO RUBIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with