^

Punto Mo

Lalaki, nagpaulan ng pera sa highway gamit ang savings ng kanyang pamilya!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki na nagmamaneho sa isang highway sa Oregon, U.S. ang nagpamudmod ng libu-libong piraso ng $100 bills sa mga kasunod niyang motorista!

Ayon sa report ng state police, namataan na nagmamaneho sa Interstate 5 sa Eugene, Oregon ang 38-anyos na si Colin Davis McCarthy na naghahagis ng bundle ng $100 bills mula sa bintana ng kanyang sasakyan. Dahil dito, tumigil ang mga sasakyan sa kanyang likuran para kuhanin ang mga nagliparang pera.

Dahil sa traffic na dinulot ni McCarthy, sinundan siya ng mga state troopers. Nang matunton nila ito, tinanong nila kung bakit niya ito nagawa, sinabi nito na gusto lang niyang magbigay ng blessing sa ibang tao. May balak pa sanang magpaulan muli ng pera si McCarthy ngunit pinakiusapan na siya ng mga pulis na itigil na ito dahil magdudulot ito ng aksidente sa highway.

Ayon kay McCarthy, nagkakahalaga ng $200,000 ang pe­rang napamudmod niya sa highway. Nakuha niya ang pera mula sa savings account ng kanyang pamilya.  Hindi makapaniwala ang pamilya ni McCarthy sa kanyang ginawa at nanawagan sila sa mga nakapulot ng pera na ibalik sa kanila ito dahil naubos ang laman ng kanilang bank account.

Hindi matutulungan ng mga kapulisan ang pamilya dahil joint family account ang pinagkuhanan ni McCarthy ng pera.

Sa kasalukuyan, pinag-iisipan pa ng kapulisan kung sasampahan si McCarthy ng kasong disorderly conduct dahil sa ginawa niyang traffic sa highway.

PERA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with