Wheelchair (Wakas)
Arrival area ng Toronto Pearson International Airport. Malayo pa ay natanaw na ni Jong si Pam. Kumakaway sa kanya. Ilang minute pa at magkaharap na sila nang kasintahan. Nagyakap sila.
“Welcome sa Canada, Jong. Sa wakas narito ka na.’’
“Parang panaginip lang Pam.’’
“Totoo ito, ha-ha-ha!’’
“Bagong kabanata ng buhay.’’
“Magkasama na tayo Jong.’’
“Oo Pam at hindi na magkakalayo.’’
“Halika na.’’
Lumipas pa ang mga buwan. Maganda ang naging trabaho ni Jong sa ospital na pinagtatrabahuhan din ni Pam. Malaki ang suweldo. Regular na siyang nagpapadala sa kanyang Inay ng pera. Pati si Tito Mon, pinadadalhan niya. Tuwang-tuwa si Tito Mon kapag nagkakausap sila sa messenger. Sabi ni Tito Mon, natupad din sa wakas ang pangarap na makapag-abroad si Jong. Nalalasap na raw niya ang bunga ng pagpapaaral kay Jong.
MAKALIPAS ang ilang taon, hindi inaasahan ni Jong na may makikilalang Pinoy sa ospital. Naging kaibigan niya ang Pinoy na ang name ay Paolo. Maliit ang mundo sapagkat si Paolo pamangkin ni Karina.
Sino si Karina? Siya ang asawa ni Tito Mon na ipinamalitang patay na ng mga magulang nito. Si Karina ang may-ari ng wheelchair. Buhay si Karina at dinala ng magulang dito sa Canada para mailayo kay Tito Mon.
Ipinakilala ni Paolo si Jong kay Mam Karina. Kasama namin si Pam nang magtungo kina Mam Karina.
At kumpirmado, siya nga ang asawa ni Tito Mon. Hindi na ito lumpo. Iyak nang iyak si Mam Karina nang malaman na pamangkin siya ni Tito Mon. Sabi ni Karina, laban sa kanyang kalooban ang pagtungo sa Canada. Mahal na mahal daw niya si Tito Mon. Katunayan hindi siya nag-asawa.
“Gusto kong makausap si Mon, Jong.’’
“Tatawagan ko po siya ngayon para kayo magkausap.’’
Ilang minuto ang nakalipas at nagkausap na sina Tito Mon at Karina. Nagkaiyakan sila. Kami ni Pam ay napaiyak din.
Masayang-masaya sila. Hindi nila akalain na may karugtong pa ang kanilang pagmamahalan.
(BUKAS, ABANGAN ANG ISA PANG KAPANA-PANABIK NA NOBELA SA PANULAT PA RIN NI RONNIE M. HALOS. HUWAG BIBITIW!)
- Latest