^

Punto Mo

Lalaki na hiniwalayan ng girlfriend, 21-oras lumuhod para makipagbalikan ito sa kanya!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Isang lalaki sa China ang 21-oras na lumuhod sa harapan ng opisina ng kanyang ex-girlfriend, sa pag-asang siya’y kaaawaan at makikipagbalikan ito sa kanya!

Pinag-usapan kamakailan sa social media at news website sa China ang isang hindi pinangalanang lalaki dahil halos isang buong araw itong lumuhod sa labas ng isang office building sa Dazhou city, Sichuan province kung saan nagtatrabaho ang kanyang ex-girlfriend.

Nagsimulang lumuhod ang lalaki habang may hawak na bouquet ng bulaklak noong 1:00 p.m. ng Marso 28.

Sa unang limang oras na pagluhod ng lalaki, walang pumapansin dito pero makalipas ang ilang oras, marami na ang nagtaka kung ano ang ginagawa nito at bakit mayroon itong hawak na bouquet ng bulaklak.

Sa bawat napapadaan at nagtatanong kung bakit siya nakaluhod, ipinapaliwanag ng lalaki ang tungkol sa kanyang girlfriend. Dahil dito pinalibutan na siya ng mga usisero at pinakiusapan siya na itigil na niya ang pagpapahirap sa sarili.

Dahil hindi nito pinakikinggan ang payo ng mga taong nakapalibot sa kanya, may tumawag na ng pulis para siya paalisin. Pagdating ng mga pulis, nagmatigas at nanatili sa kanyang puwesto ang lalaki at iginiit na wala siyang ginagawang iligal para paalisin ng pulis.

Nanatiling nakaluhod ang lalaki magdamag habang tinitiis ang dilim, ulan at napakalamig na klima. Ayon sa mga nakakita, nakatagal hanggang Marso 29 ang lalaki pero umalis na ito ng 10:00 a.m. dala-dala ang bouquet ng bulaklak.

Ayon sa huling report, hindi nakipagbalikan ang babae sa dating nobyo.

vuukle comment

GIRLFRIEND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with