Tips and tricks
• Kung habang nagsasalita ka ay may sumisingit sa iyo, ituloy mo lang ang pagsasalita at huwag itong pansinin. Kusa itong titigil dahil magmumukha siyang tanga.
• Mapapansin mong may tumitingin sa iyo nang paulit-ulit. Tawag sa aming probinsiya ay “nakamanga”. Yun tingin na tumutunganga sa iyo. Gantihan mo ng tingin sa kanilang paa o sapatos. Titigil iyan at magtataka kung ano ang tinitingnan mo sa kanilang paa o sapatos.
• Nagpapababa ng blood pressure ang magka-holding hands habang naghahalikan.
• Nakakagaling ng food allergy ang pakikipaghalikan.
• Pampapayat ng chubby face: Ngumuya ng bubble gum sa loob ng isang oras araw-araw; mag-cardio exercise; uminom ng maraming tubig.
• Pampatangkad: Kumain ng beans, eggs, meat, yogurt, fruits. Matulog at magpahinga nang sapat. Stretch daily.
• Ang babaing may seryosong karelasyon pero madalas pa rin pumunta sa gimik nang nag-iisa kasama ang mga barkada na hindi close sa kanyang boyfriend ay malaki ang tsansang mangaliwa.
• Upang lubos na makilala ang babaeng nililigawan pa lang, obserbahan mo ang ugali at kilos ng mga kabarkada niyang babae. Sila ang repleksiyon ng kanyang true personality.
• Kung narinig mo ang putok ng baril, tiyak na hindi ikaw ang tinamaan ng bala noon.
- Latest