^

Punto Mo

Wheelchair (157)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

Kinausap ni Jong nang sarilinan si Tito Mon. May kaugnayan sa nasirang wheelchair na ginamit ni Lolo Ado kaya niya ito kinausap.

“Tito Mon, sorry sa nangyari sa wheelchair. Talagang hanggang dun na lang siguro ang hantungan ng wheelchair ng mahal mong asawang si Tita Karina.’’

“Okey lang Jong. Wala kang dapat ipag-sorry.”

“Salamat po Tito Mon.’’

“Siguro kung nabubuhay si Karina, matutuwa rin siya dahil ang kanyang wheelchair ay nakatulong sa iba.’’

“Siyanga pala, Tito Mon wala ka na po bang balita sa pamilya ni Tita Karina?’’

“Wala na akong balita. At isa pa, wala na naman akong dapat pang malaman sa kanila. Patay na si Karina at dun natapos ang lahat.’’

“Di po ba sabi mo, sa kapitbahay mo lamang nalaman na namatay si Tita Karina?’’

“Oo. Tinatanggap kong totoo iyon dahil nga masasakitin si Karina.’’

Napatango na lang si Jong bilang pagsang-ayon.

LUMIPAS pa ang mga buwan. Ini-enrol ni Jong si Enod. Grade 4 na ito. Matalino si Enod.

Isang araw, huma­hangos itong dumating at may binalita kina Tito Mon at inay ni Jong.

“Tito Mon, Inay, ang taas ng nakuha ko sa exam namin!’’

“Baka ikaw ang ma­ging valedictorian, Enod.’’

(Itutuloy)

WHEELCHAIR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with