^

Punto Mo

Wheelchair (154)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ENOD! Anong nangyari? Nasaan si Lolo Ado?’’ sunud-sunod na tanong ni Jong kay Enod nang makalapit ito.

Umiyak si Enod. Hagulgol sa pag-iyak.

“Anong nangyari Enod?’’

“Patay na po si Lolo!’’

“Bakit anong nangyari?’’

“Nasagi po ng tren. Nakasakay po siya sa wheelchair. Hindi po nakita ang parating na train dahil malabo ang mata. Nakababa po siya sa wheelchair pero nahagip din. Nawasak po ang wheelchair. Nadala po sa ospital pero wala na pong buhay si Lolo. Ang barangay po ang nagpalibing kay Lolo. Hinihintay kita Kuya Jong. Pero nalimutan mo na yata kami ni Lolo.’’

“Hindi Enod. Naging abala ako sa paghahanap ng trabaho. Lumipat din kami ng bahay.’’

Ngumuyngoy si Enod.

“E sino ang kumupkop sa’yo pagkatapos mamatay si Lolo Ado.’’

“Meron pong isang nagmagandang loob na kagawad ng barangay na patirahin ako sa kanila pero dusa po ang kalagayan ko sa kanila, Kuya Jong. Hindi ako pinakakain. Masungit po ang asawa ng kagawad. Sinasaktan ako kapag nagkakamali sa iniuutos niya,’’ at ipinakita ang mga sugat nito sa braso at tagiliran. Parang hampas ng matigas na bagay. “Nang hindi ko na matiis ang pananakit sa akin, lumayas na ako sa kanila, Kuya Jong. Hindi ko na kaya talaga. Nagpalabuy-laboy ako. Pero madalas na pumupunta ako rito at nagbabakasakali na pumunta ka at ngayon nga nakita kita. Isama mo na ako Kuya Jong. Gusto kong tumira sa iyo. Ayaw ko sa mga taong nagpapahirap sa akin. Baka mamatay ako sa pagpapahirap nila. Parang awa mo na Kuya Jong,’’ sabi ni Enod ay bumunghalit ng iyak.

Nabagbag ang kalooban ni Jong. Gusto na rin niyang umiyak.

Bakit may mga walang puso na nagpapahirap sa kapwa lalo pa at sa katulad ni Enod?

(Itutuloy)

vuukle comment

WHEELCHAIR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with