^

Punto Mo

Nakasosorpresang kaalaman

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Health benefits sa halikan:

1. Magaling sa ngipin. Ang paghahalikan ay lumilikha ng maraming laway na humuhugas sa harmful bacteria na sumisira sa ngipin.

2. Nakakatunaw ng calories. Ayon sa Self.com, mga 6 calories per minute ang natutunaw na calories.

3. Nakakatanggal ng stress. Sa ginawang pag-aaral noong 2009, bumaba ang stress hormone cortisol level ng mga magnobyo pagkaraang maghalikan ang mga ito. Sinukat din ng mga researchers ang hormone cortisol level habang naka-holding hands sila. Mas higit ang ibinaba ng stress hormone cortisol level pagkaraang maghalikan kaysa nang magka-holding hands.

Health benefits ng ice cream:

1. Mayaman sa calcium na nagpapababa ng tsansang magkaroon ng osteoporosis. Mayaman din sa protein na nagre-repair ng body tissues. Ang buhok at kuko ay nabuo mula sa protina.

2. Nagbibigay ng vitamin A at vitamin B2 at B12.

3. Kapag masaya ang kalooban habang kumakain, tiyak na mabilis ang pagpasok ng sustansiya sa katawan. Sino ba ang malulungkot habang dinidilaaan mo ang malinamnam at malamig na ice cream sa malutong na apa?

Health benefits ng tubig:

1. Uminom ng dalawang basong tubig pagkagising sa umaga. Pampalinis ng internal organs.

2. Uminom ng isang basong tubig 30 minutes bago kumain. Para mabilis matunaw ang pagkain.

3. Uminom ng isang basong tubig bago maligo. Pampababa ng blood pressure.

KNOWLEDGE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with