^

Punto Mo

Dapat may panagutin sa lumubog na oil tanker

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Matindi talaga ang pinsalang dulot nang lumubog na oil tanker sa Oriental Mindoro.

Sa pinakahuling ulat, nakaabot na rin sa karagatan ng Ba­tangas ang pinsala sa lumubog na MT Princess Empress.

Daang libong indibiduwal din ang naapektuhan nito at libu-libong mga pamilya partikular ng maraming mga mangingisda ang kinakailangan ngayong makalinga makaraang mawalan nang ikabubuhay dahil sa paglaganap ng langis sa karagatan.

Iniulat na rin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na nagpositibo na sa langis ang mga isda at iba pang laman-dagat na kinuha at sinuri sa karagatan ng Oriental Mindoro.

Kahapon natukoy na rin ng Japanese remotely operated vehicle (ROV), ang lugar nang pinaglubugan ng nasabing oil tanker. Nasa 400 meters ang lalim nito sa Balingawan Point sa bayan ng Naujan.

Sa lawak ng pinsala at dami ng naapektuhan na dapat tulungan, iisa na lang ang hindi malinaw.

Dahil hanggang ngayon eh hindi tinutukoy kung sino ang may-ari ng lumubog na barko.

Bakit hanggang sa ngayon, eh walang tulong na ibinibigay ito sa mga naapektuhan at bakit hanggang sa ngayon eh tila wala pang nakakasuhan sa naturang trahedya sa karagatan?

Maging sa dami ng nagsisiyasat, wala pang mga rekomendasyon na nailalatag at mga pag-aksyon na dapat gawin.

Dyan ka magtataka, at yan ang kailangan nating tutukan na hindi dapat tantanan.

MT PRINCESS EMPRESS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with