^

Punto Mo

Wheelchair (142)

Pang-masa

“Kahabag-habag ang kalagayan nina Lolo Ado at Enod, Tito Mon. Mas kahabag-habag sila kumpara sa atin. Nakakaluwag pa tayo at nakakakain ng tatlong beses sa isang araw—sila suwerte nang kumain ng dalawang beses. Ang kanilang tirahan, anumang oras ay maaaring gibain dahil sa itatayong proyekto ng gobyerno. Sabi ni Enod sa akin, kapag daw giniba ang tirahan nila, hindi nila alam kung saan matutulog kaya dasal niya na huwag munang matuloy ang project ng gobyerno.

“Kaya sa sobrang awa ko sa maglolo ay napaluha ako. Nabagbag ang kalooban ko at sinabi kong hindi na dadalhin ang wheelchair. Para kay Lolo Ado na lamang ang wheelchair. Sa sobrang tuwa ni Enod ay niyakap ako. Maraming salamat daw at hindi ko na kukunin ang wheelchair. Hindi na raw mahihirapan ang lolo niya.

“’Yan ang dahilan kaya wala akong nadalang wheelchair, Tito Mon. Sana maunawaan mo ako. Sana, hindi ka ma­galit sa ginawa kong pagdedesisyon. Alam kong mahalaga sa iyo ang wheelchair pero, sa pagkakataong ito, ang kalagayan ng matandang si Lolo Ado ang naging matimbang sa akin.’’

“Nauunawaan kita Jong. Tama ang ginawa mo.’’

(Itutuloy)

MON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with