^

Punto Mo

Ang pinakaunang babaing doktor

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NOONG unang panahon sa Greece, ipinagbabawal sa mga kababaihan na mag-aral ng medisina. Ngunit may isang babaing nagngangalang Agnodice ang hindi natakot na suwayin ang batas. Pangarap niyang maging isang manggagamot at hindi magiging hadlang ang kanyang kasarian upang isakatuparan ang pangarap na iyon.

Ginupit niya ang kanyang buhok na kasing ikli ng sa lalaki at pagkatapos ay nagbihis panlalaki. Nag-enrol siya sa bilang isang lalaki at kumuha ng medisina.

Natapos niya ang medisina nang walang nakaaalam ng kanyang lihim. Isang araw habang patungo siya sa ospital na pinagtatrabahuhan ay nakarinig siya ng iyak ng babae. Lumapit siya sa pinanggagalingan ng ingay at nakita niya ang nag-iisang buntis na namimilipit sa sakit. Napagtanto ni Agnodice na manganganak na ito.

Nang lumapit siya sa babae ay sinabi niyang doktor siya at hayaan siyang tulungan na magsilang. Umiling ang babae at sinabing ayaw niyang hawakan siya ng lalaki.

Ipinaliwanag ni Agnodice na siya ay babae na nagkukunwaring lalaki. Naghubad siya ng pang-itaas at ipinakita ang ebidensiya na siya ay babae. Nagsilang nang maluwalhati ang babae.

Simula noon bagaman at kumalat na sa mga inang magsisilang na may isang babaing doktor na maaari nilang lapitan kapag kabuwanan na nila, nanatili pa ring lihim ang kanyang gender sa karamihan.

Ngunit maraming doktor ang nainggit sa kanya sa sobrang dami ng kanyang pasyente. Ginawan siya ng intriga na kaya siya ang nilalapitan ng mga babaing pasyente ay dahil sine-seduce  nito ang mga ito.

Habang dinidinig ang kanyang kaso, ipinakita niya sa korte na siya ay babae at hindi lalaking nangse-seduce ng mga kababaihang pasyente. Magkaganoon pa man, naparusahan pa rin siya dahil nilabag niya ang batas na bawal mag-aral ng medisina ang kababaihan. Nasentensiyahan siya ng parusang kamatayan.

Nag-alsa ang mga kababaihan lalo na ang mga maybahay ng mga huwes. Na-pressure ang mga huwes at nagpasya silang patawarin na si Agnodice. Pinayagan ng korte na manggamot siya sa kondisyong mga babae lang ang kanyang magiging mga pasyente. Siya ang itinuring na pinakaunang babaing Greek doctor at gynecologist.

MEDISINA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with