^

Punto Mo

Ang perfect boss

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Ilang dekada nang pumanaw ang kanyang amo ngunit hindi pa rin makakalimutan ng 90-year old German grandma na nagngangalang Rosa ang kanyang among lalaki na ubod ng bait sa lahat ng kanyang katulong.

Kinse anyos lang si Rosa nang pumasok na katulong sa amo na sinasabi niyang napakabait. Mayroon itong malaking bahay bakasyunan na nakatayo sa bundok. Ang ate kasi niya ay cook sa bahay na iyon na naging koneksiyon niya para makapasok na katulong. Naalaala niya noong unang araw na nakita niya ang amo, lumapit ito sa kanya habang naglilinis siya ng kusina. Malumanay palang magsalita ang amo niyang lalaki na tila pa ito ang nahihiyang mag-utos sa kanya:

“Paumanhin kung naabala kita sa iyong ginagawa, puwede bang ipagtimpla mo ako ng kape? Bigyan mo rin ako ng ginger cookies. Pakidala ang mga ito sa aking study room.”

Napakabait! Inaasahan kasi niyang tigasin ito at brusko dahil may mataas itong katungkulan sa military. Sikat ang amo niya at marami siyang naririnig mula sa bulong-bulungan ng publiko tungkol dito na pawang negatibo. Sabi niya sa sarili: A, baka masuwerte lang ako at malamig ang ulo niya ngayon.

Ang study room ng kanyang amo ay napakasimple. Kaya naisip niyang hindi pala ito maluho. Ang tanging dekorasyon ng kuwarto ay isang frame ng litrato ng kanyang ina. Napatitig siya sa larawan at nahalata iyon ng kanyang amo.

“Siya ang aking ina,” sabi ng amo habang nakangiti.

Nahihiya siyang nagsalita, “Maganda po ang iyong ina.”

“Salamat. Mahal na mahal ko siya,” magiliw na sagot ng amo.

Pero nagdaan ang maraming araw na hindi nagbabago ang kabaitan nito sa mga katulong sa bahay. Laging malumanay magsalita at hindi niya naririnig na sumigaw kahit kailan. Minsan dinadala ng ibang katulong ang kanilang mga anak sa bahay ng amo. Hindi niya akalaing mahilig pala ito sa bata. Kinakalong niya ang mga ito at kinakantahan ang mga ito.

Hindi siya makapaniwala na dadalo ito sa payak na kasalan ng kanyang ate at sumama pa sa pagpapakuha ng litrato. Mahal siya ng lahat ng katulong sa bahay bakasyunan. Naririnig niya sa mga balita kung gaano katigas ang loob ng kanyang amo bilang lider ng kanyang grupo pero noong namatay ang isa niyang naging karelasyon, naririnig niya itong umiiyak sa kalaliman ng gabi. Ang kuwarto nilang mag-ate ay katapat ng kuwarto ng amo kaya naririnig nilang umiiyak ito gabi-gabi.

Sa paglipas ng mga taon, hindi pa rin makapaniwala si Rosa Mitterer sa mga masasamang sinasabi ng mga tao tungkol sa kanyang amo na malaon nang pumanaw. Hindi niya makakalimutan ang mabait nitong pagtrato sa kanila kahit alila lamang sila. Kahit ano pang ikulapol na masasamang salita laban sa pangalan ng kanya amo—Adolf Hitler—mananatili pa rin itong mabuting tao sa kanyang puso at alaala.

AMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with