Mga pulitiko, kabado sa bodyguards nila?
HINDI naging aral sa mga abusadong pulitiko ang nangyari noong 1951 sa Negros Occidental nang ipapatay ni Gov. Rafael Lacson si Moises Padilla dahil kinalaban siya nito. Nahatulan si Lacson at iba pang mga sangkot sa krimen ng parusang kamatayan. Wala pang Witness Protection Program (WPP) noon. Mas nananaig ba ang hustisya noon kaysa ngayon?
Noong Nobyembre 23, 2009, hinarang at pinagpapatay ang 58 katao kabilang ang asawa ni Toto Mangudadatu na kalaban ni Andal Ampatuan Jr. sa pagka-governor sa Maguindanao. Nahuli at umamin sa krimen ang mga tauhan nina Ampatuan na kalaunan ay tumayong testigo laban sa mga ito. Magaling kumanta ang mga bodyguards, ha-ha-ha!
Napasakop sa WPP sina Denex Sakal at Sukarno “Butch” Saudagal, mga dating alalay at driver ni Andal Ampatuan Jr. upang maging testigo sa massacre. Inambush ang dalawang testigo na ikinamatay ni Sakal at malubhang nasugatan si Saudagal noong Hunyo 2015. Habambuhay na pagkakakulong naman ang hatol sa mga salarin courtesy of witnesses.
Mainit namang usapin ngayon ang pagbubunyag ng dalawang nahuling suspects sa pagpatay kay Negros Oriental Roel Degamo noong Marso 4. Sinabi ng mga naarestong sina Jovic Labrador at Benjie Rodriguez sa ambush interview na isang “Congressman Teves” ang nag-order para patayin si Degamo. Kanta pa more!
Kapag tumibay ang ebidensiya at testimonya ng mga naarestong suspects at mapasailalim sa WPP, malamang makulong din ang mastermind at magiging “dabarkads” siya ng pamilya Ampatuan sa Bilibid. Orayt!
Mistulang kondenado na si Cong. Arnie Teves sa mata ng publiko dahil sa paglutang ng iba pang mga krimen sa Negros Oriental.
Subaybayan!
- Latest