Babae raw ang Diyos?
NAKITA ko ang Diyos at babae siya! Ito ang nakakamanghang pahayag ni Father John Michael O’Neal, isang Katolikong pari mula sa Massachusetts. Nagkasakit siya at dinala sa ospital. Sa kasamaang palad ay idineklara siya ng mga doktor na patay na. Ngunit pagkaraan ng 48 oras, muling tumibok ang kanyang puso at muling nabuhay.
Sa loob ng 48 oras, ang espiritu ng pari ay naglakbay sa langit kung saan nakita niya na ang Diyos pala ay babae! Ayon sa kanyang salaysay, umaapaw sa kaligayahan ang kanyang puso habang kaharap ang Diyos dahil damang-dama niya ang pagmamahal…pagmamalasakit at pagtanggap sa kanya. Hindi niya mailarawan nang kumpleto ang emosyon na naghari sa kanya ngunit ang pagmamahal na ipinadama ng Diyos sa kanya ay kagaya ng pagmamahal na ibinigay ng kanyang ina.
Ang sabi ng matandang pari: “Her presence was both overwhelming and comforting. She had a soft and soothing voice and her presence was as reassuring as a mother’s embrace. The fact that God is a Holy Mother instead of a Holy Father doesn’t disturb me, she is everything I hoped she would be and even more!”
Naging kontrobersiyal ang kuwentong ito dahil ayon sa CBS radio, na isa sa nakakuha ng balitang ito mula sa World News Daily Report, wala raw katotohanan ang balita. Ang web site kung saan nanggaling ang balita ay pulos mga kathang-isip lamang at for entertainment purposes only.
Napatunayan din ng mga reporter na walang pari sa paligid ng Massachusetts na may ganoong pangalan o kaya ay namatay at muling nabuhay. May nagsasabi naman na totoo ang balita ngunit pinalabas na kathang isip lamang dahil ang pari ay nagtatago na upang hindi na guluhin ng mga reporters.
Hindi tama na ang isang alagad ng Diyos ay nagiging kontrobersiyal na personalidad. Anuman ang totoo tungkol isyu ng gender, isang katotohanan ang napatunayan, na may totoong Diyos na gumagabay sa sanlibutan.
- Latest