^

Punto Mo

Wheelchair (129)

Ronnie Halos - Pang-masa

Malaking palaisipan sa doctor na tumingin kay Karina kung bakit naparalisa ang ibabang kalahati ng katawan nito. Ngayon lang daw ito naka-encounter ng ganitong kaso.

“Ano po ang gagawin ko Doktor? May pag-asa pa bang makalakad ang asawa ko?’’ tanong daw ni Tito Mon sa doctor.

“Sa ngayon ay wala pa akong maibibigay na kasagutan. Idadaan ko siya muli sa series of examination. Habang wala pang resulta ang mga tests, ipinapayo ko na gumamit muna ng wheelchair ang kabiyak mo. Ito ang tanging paraan ngayon,’’ sabi ng mabait na doctor.

“Dok, sana po makita ang dahilan ng pagkakaparalisa ng asawa ko,’’ sabi umano ni Tito Mon na himig nakikiusap sa doctor.

‘“Huwag kang mangamba, Mon. Gagawin ko ang lahat para matuklasan ang dahilan ng karamdaman ng misis mo.’’

“Salamat po.’’

Sinunod ni Tito Mon ang payo ng doctor. Bumili siya ng wheelchair sa Bambang, Sta. Cruz.

Pagdating niya sa bahay, isinakay niya rito ang asawa.

“Anong sabi ng doctor Mon, makakalakad pa raw ba ako?’’ tanong ni Karina.

“Oo, Karina, makakalakad ka,’’ sabi ni Mon bilang pagpapalakas sa loob ng asawa.

“Ano raw ang dahilan nito Mon?’’

“Nagsasagawa pa ng pag-aaral ang doctor. Isasailalim ka uli sa tests.’’

“Kawawa ka naman, Mon. Naging alagain mo pa ako ngayon.’’

“Kahit ano ay gagawin ko Karina. Hindi kita iiwan. Mahal na mahal kita.’’

“Mahal na mahal din kita Mon.’’

“Walang makakapantay sa pag-ibig ko sa iyo Karina,’’ sabi ni Mon at mahigpit na niyakap ang asawa.

Wala silang kamalay-malay na may mangyayaring hindi maganda sa kanila.

(Itutuloy)

KARINA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with