20 life hacks (Last part)
Karugtong nang lumabas kahapon:
11. Pahiran ng deodorant ang kagat ng lamok para hindi mangati.
12. Bago matulog, basahin nang malakas ang speech. Kinabukasan, kaunti na lang ang effort na kailangan mo para ito ma-memorize.
13. Kapag ikaw ay inaantok at kailangan mong tanggalin ito dahil oras ng trabaho: Pigilin mo ang paghinga hangga’t kaya mo, then, biglang pakawalan ang hangin sa baga.
14. Huwag itapon ang ginamit na tea bag. Patuyuin ito sa araw. Puwede itong ilagay sa loob ng sapatos para sipsipin ang mabahong amoy.
15. Ang paninigarilyo ay nagpapabagal ng natural healing ability ng iyong katawan. Sa bawat isang stick ng sigarilyo, dalawang linggo ang idini-delay ng paggaling mo.
16. Mas nagtatagal ang amoy kung ang iispreyan ng perfume ay sa bandang batok malapit sa hairline. Mas tatagal ang scent kung kakapit sa buhok kaysa balat lang.
17. Ang lipstick na shimmery gloss ay nagbibigay ng illusion na maumbok ang lips samantalang kung matte lipstick, nagmumukhang manipis ang lips.
18. Gumamit ng suklay na malalaki ang ngipin kung nag-aaplay ng conditioner sa buhok para ito kumalat nang maayos sa buhok.
19. Ang kamay ang number one salarin kung bakit kumakalat ang bacteria sa ating mukha na nagdudulot ng tagihawat. Don’t touch your face.
20. Basta’t nag-shampoo, gumamit ng conditioner. Mas nagiging healthy ang buhok, more manageable and better looking.
- Latest