^

Punto Mo

Babae sa U.K., aksidenteng nakain ang hugis pusong sitsirya na malaking pera ang halaga!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Isang supermarket employee sa England ang nagsisisi nang kinain niya ang isang piraso ng potato chips na makakapagpabago at makakapagpaginhawa sana ng kanyang buhay.

Noong Disyembre 2022, inanunsyo ng potato chips brand na Walkers na mayroon silang contest kung saan mananalo ng 100,000 British pounds (katumbas ng P6.5 milyon) ang makakahanap ng hugis puso na potato chips sa kanilang mga produkto. Maraming fans ng nasabing brand ng potato chips ang na-excite lalo na’t hanggang Marso 2023 ang deadline ng contest at may tatlong buwan para hanapin ang hugis pusong sitsirya.

Habang gumagawa ng ingay ang pa-contest na ito sa buong UK, may isang ginang sa Oswestry, Shropshire, West Midlands region ng England ang walang kaalam-alam tungkol sa masuwerteng hugis pusong potato chips.

Noong February 15, nagmemeryenda ang 40-anyos na si Dawn Sagar bago magsi­mula ang kanyang shift sa supermarket nang may makuha siyang hugis pusong potato chip sa pakete ng kinakain niyang Walkers potato chips.

Kakatapos lang ng Valentine’s Day kaya kinunan niya ito ng litrato. Dahil natuwa siya sa pambihirang coincidence na ito, pinadala niya ang litrato sa kanyang mga kaibigan. Ilan sa mga ito ang agad nag-reply na ingatan niya ito dahil nagkakahalaga ito ng 100,000.

Ngunit huli na ang lahat dahil nakain na ito ni Sagar. Pinagsisihan ni Sagar na wala siyang kaalam-alam tungkol sa pa-contest, pero mabilis din niyang natanggap ang pagkakamali at naisip na hindi talaga para sa kanya ang malaking ­premyo.

Ayon sa spokesperson ng Walkers, hindi nag-iisa ang hugis pusong potato chips at may pagkakataon pa ang mga tao sa U.K. na mahanap ito hanggang hatinggabi ng Marso 20.

POTATO CHIPS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with