Maari bang ipitin ang sahod ng empleyado?
Dear Attorney,
Nakaaway ko po ang aking boss sa pinagtatrabahuhan ko. Puwede ba niyang ipitin ang sahod ko kung sakali? —Arnold
Dear Arnold,
Hindi maaring ipitin ang suweldo mo dahil lamang may naging alitan kayo ng boss mo.
Malinaw na nakasaad sa Article 116 ng Labor Code na labag sa batas ang pagwi-withhold o ang hindi pagbibigay sa empleyado ng kanyang sahod o ng anumang bahagi nito.
Hindi rin maaring “ipitin” kahit ang sahod ng mga empleyadong nahiwalay na sa serbisyo. Nakasaad sa Department of Labor and Employment (DOLE) Labor Advisory 06-10 na kailangang maibigay sa empleyado ang kanyang ‘final pay’ sa loob ng tatlumpung (30) araw matapos siyang umalis o matanggal sa trabaho.
Sa madaling sabi, walang dahilan ang boss mo para ipitin ang sahod mo kung ang dahilan lang ay ang naging away niyo. Kung may nalabag ka mang company policy o batas dahil sa naging alitan n’yo, may ibang angkop na paraan para maitama ang naging pagkakamali mo ngunit hindi dapat iyon ang maging basehan para hindi ibigay ang iyong sahod.
- Latest