^

Punto Mo

General Hidalgo, ‘no mercy’ sa mga tiwaling pulis!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

CONGRATULATIONS kay Brig. Gen. Jose “Daboy” Hidalgo Jr., ang bagong upong director ng Central Luzon police­.

Bumalik si Hidalgo sa PRO3 kung saan dati siyang hepe ng Regional Mobile Force Battallion (RMFB). Pinalitan ni Hidalgo, na miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) Class ‘91, si Brig. Gen. Cesar Pasiwen na nagretiro noong February 22, matapos marating ang mandatory retirement age na 56. Hehehe! Sobrang hinog na pala ni Hidalgo, ‘no mga kosa?

Si Hidalgo ay dating hepe ng Northern Police District (NPD) bago ilipat bilang Deputy Re­gional Director for Administration (DRDA) ng National Capital Region Police Office (NCRPO). Eh di wow! Masasabi kong masuwerte si Hidalgo dahil maraming senior officers ang naglalaway na mapunta sa PRO3, di ba mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sa kanyang talumpati, tinawag ni Hidalgo ang kanyang sarili na “captain of the ship” at ipi­­nangako niyang itataguyod ang kanyang mga tauhan sa tamang trabaho at responsibilidad upang siguraduhin ang mahusay na pagdeliber ng police at public safety services. Sa kanyang liderato, isusulong ni Hiladgo ang kanyang commanders at tauhan sa “greater heights and lenghts.”

“I urge all of you to rally behind me in all our voyage towards one direction-success in every endeavor. Each of us has different roles to play. Every single individual are expected to do his part to accomplish our missions,” ani Hidalgo sa nakatipon n’yang mga tauhan. “Through our converted effort and deep commitment, we could weather the storm and that is now the challenge that I toss for everyone in thir police force.”

Ayon kay Hidalgo, hihimukin niya ang lahat ng sektor ng socieded, kasama na ang lahat ng religious groups, upang makipagtulungan sa pulis at komunidad para panatilihin ang katahimikan ng Central Luzon. Eh di wow! Hehehe! Nasa tamang landas lang itong si Hidalgo, no mga kosa?

Batid naman ni Hidalgo na ang imahe ng PNP ay binabangungot ang kredibilidad dahil sa pagkasangkot ng ilang tiwaling pulis sa droga at iba pang ilegalidad. Ipinunto niya na ang liderato ng PNP ay seryosong linisin ang kanilang hanay ng lahat ng uri ng masasamang pulis at nanawagan siya sa kanyang mga tauhan na gawin ang kanilang trabaho “properly at professionally.” “At the end of the day you will reap the rewards and the fruits of your labor,” aniya.

Nagbanta si Hidalgo na kapag ang kanyang tauhan ay hindi parte ng solusyon sa kriminalidad, ang ibig sabihin nito ay sila na mismo ang problema. “You should not be part of the problem. Your future depends on the single stroke of my signature and I will not blink an eye doing so. Please don’t be a part of statistics,” ang dagdag ng bagong Central Luzon director. Dipugaaaaa! Hehehe!

Kaya kayong mga pulis sa Central Luzon, huwag n’yong subukan ang pasensiya ng bagong hepe n’yo. Mismoooooo! Inutusan naman ni Hidalgo ang mga police commanders na ipasailalim sa samu’t saring training ang kanilang mga tauhan upang makamtan nila ang highest standard na panunungkulan sa mamamayan. “We will be putting the right man on the right job to ensure accomplishments of our missions and objectives,” sabi pa Hidalgo.

Abangan!

vuukle comment

JOSE HIDALGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with