^

Punto Mo

Publiko pinag-iingat sa pekeng land titles!

RESPONDE - Gus Abelgas - Philstar.com

ETO  pa ang isa sa modus na laganap ngayon kung saan pinag-iingat ng mga awtoridad ang publiko dahil sa dami na ng naloko ng mga ito.

Eto yung mga nagpapasilpika o namememeke ng mga land titles saka ipanloloko sa iba para pagkakitaan.

At komo nga marami ang nangangailangan at marami rin ang interisado para magkalupa, kaya marami rin ang nabibiktima ng grupo ng sindikatong sangkot dito.

Ilan sa mga dawit dito ay naaresto na kamakailan   sa Cavite.

Mukhang mga bihasa umano ang  sindikatong dawit dito dahil  nagagawa nilang mapalitan ang mga pangalan at mahahalagang impormasyon sa dokumento na mistulang totoo.

Pero kapag vinerify ito sa tamang ahensya doon lamang malalaman na peke ito.

‘Yun nga lang nabiktima na!

Bakit kaya hindi magawa na bago makipagsara sa transaksyon eh doon muna berepikahin kung genuine ang mga papeles para hindi sila maloloko.

Mag-ingat sa pagsasanla at mag-ingat din sa mga sinasanla sa inyo na mga titulo sa lupa.

Base sa modus ng  grupong sangkot dito, pinapalitan nila ang mga pangalan saka pakikiala­man ang detalye ng titulo ng lupa saka ipambibiktima.

Meron pa nga condo o bahay napatitituluhan at naibebenta na hindi alam ng tunay na may-ari.

Matindi ang ganitong sindikato kaya nga laging tandaan ang paalala ng mga awtoridad na maging matalino at busisiiin muna ang mga dokumento na iaalok sa kanila para hindi mabiktima ng ganitong mga kawatan.

Maraming palusot ang mga kawatan, talagang mapapaniwala ka kaya dahil sa  galing magsalita kasabay na ilalatag pa sa’yo ang mga pekeng papeles na akala mo nga eh totoo.

Dapat na mas lalong maging maingat at mabusisi sa lahat nang papasuking transaksyon, ‘wag agad-agad maniwala.

PROPERTIES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with