Smugglers at hoarders ng agri-products, ikulong!
NAGPAKITA na ng kademonyohan ang ilan sa mga negosyante para kumita ng limpak na salapi. Ito ay sa pamamagitan ng pagkontrol sa supply ng agricultural products sukdulang bulukin nila ang tone-toneladang sibuyas sa mga storage upang mapalaki nila ang ganansiya. Itinuro raw sa economics ang “law of supply and demand” kaya ganun. Hindi kaya nila naisip na may “law of karma”?
Lumalabas sa imbestigasyon ng senado na malaki ang pagpapabayang kinasangkutan ng Department of Agriculture (DA), Bureau of Customs (BoC) at Department of Trade and Industry (DTI) sa nangyaring krisis sa bansa partikular sa malagintong presyo ng bigas, karne at sibuyas sa merkado. Alam na ‘dis, he-he-he!
Nakapagtatakang ang tulad lamang nina Senators Raffy Tulfo, Cynthia Villar at Imee Marcos ang nagpakitang gigil sa mga nangyayari. May mga senador din naman na nakikisawsaw sa isyu, pero halata namang walang gigil na nakapalaman sa mga argumento nila. Baka naman campaign funders din nila ang hoarders. Di kaya?
Malaking insulto sa mga Pilipino ang ginagawang kapabayaan ng mga pulpol na pulitiko at opisyales ng gobyerno para supilin ang mga mapagsamantala at mala-demonyong negosyante dahil hindi naman mga bobo ang mga pilipino, kahit hindi nakatapos ng kurso sa kolehiyo. Tama ba Attorney Gadon?
Nakagulapay na sa hirap ang mga magsasaka na ang karamihan ay tumigil na sa pagtatanim dahil ang kakumpetensiya nila ay mismong mga ahensiya ng gobyerno na kumukunsinti sa mga kapitalistang importers ng agricultural products. Magkanooo?
Pinapakyaw nila ang lokal na ani ng mga magsasaka sa mababang halaga at bubulukin sa storage para ibenta ang imported nilang paninda. Economic sabotage ang ganyang gawain kaya dapat makulong ang mga demonyong magkakakutsaba. Wala sanang demonyito ring huwes na magbenta ng hustisya!
- Latest