^

Punto Mo

Lalaki sa U.S., gumagastos ng $2-M bawat taon para maging bata!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 45-anyos na software developer ang diumano’y gumagastos ng $2 million kada taon para bumata, hindi lang ang kanyang hitsura pati ang kalusugan at buong panga­ngatawan!

Yumaman at nakilala ang tech entrepreneur na si Bryan Johnson matapos niyang ibenta sa halagang $800 million ang payment processing company niya na Braintree Payment sa kompanyang Paypal.

Kamakailan lamang, nag-viral ang Youtube video ni Johnson na nagsasabing sumailalim siya sa isang matin­ding anti-aging process na naging dahilan kaya ang kanyang puso ay pang-37 years old, ang kanyang kutis ay pang-28 years old at ang kanyang lungs at pangangatawan ay pang-18 years old.

Na-achieve ni Johnson ang pagpapabata sa buong katawan sa tulong ng isang team na kinabibilangan ng 30 doktor. Bawat doktor sa team ay nakatutok sa iba’t iba niyang organ at pinag-aaralan kung paano i-reverse ang aging process ng mga ito.

Nagsimula ang anti-aging journey ni Johnson ilang taon ang nakalipas at nakagastos na siya ng milyun-milyon sa pag-invest sa research, experiment at mga advanced state of the art equipments.

Dahil dito, nakabuo si Johnson at ang kanyang team of doctors ng isang koleksiyon ng anti-aging experiments and procedure na tinawag nilang “Project Blueprint”. Ilan sa procedure ng Project Blueprint ay strict diet guidelines, exercise regimen, sleep regimen, blood test, MRI, ultrasound at colonoscopy.

Ayon sa isa sa mga doktor ng Project Blueprint na si Oliver Zolman, simula pa lamang ito ng kanilang pag-aaral kung paano mapapabata ang isang tao. Dagdag pa nito, humanga sila sa tech millionare na si Johnson dahil pumayag ito na katawan niya ang pag-aralan sa pagdiskubre sa tinatawag na “fountain of youth”.

 

AGING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with