^

Punto Mo

Lalaki, pineke ang pagkamatay para lang makita kung sino ang mga makikiramay sa kanyang libing!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAGTATRABAHO bilang “ceremonialist” sa Brazil ang 60-anyos na si Baltazar Lemos. Dahil sa trabahong ito, maraming kasal, binyag at funeral na siyang inorganisa. Matapos mag-organisa ng isang funeral na dinaluhan ng mahigit 500 katao, nag-isip si Lemos kung gaano naman kaya karami ang dadalo kapag siya na ang ililibing.

Upang subukan kung gaano siya kamahal ng mga taong nakapaligid sa kanya, nag-post siya sa kanyang Facebook account ng isang pekeng anunsiyo na nagsasabing isinugod si Lemos sa Albert Einstein Hospital sa Sau Paolo at doon na rin binawian ng buhay. Maraming nagulat at nagbigay ng pakikiramay sa comment section. Sumunod na pinost nito ay ang araw at lugar kung saan gaganapin ang funeral ceremony ni Lemos.

Maraming dumalo sa burol ni Lemos sa isang chapel sa bayan ng Curitiba. Habang ginaganap ang funeral service at nag-iiyakan ang mga bisita, biglang nagpakita sa altar si Lemos at pinaliwanag na buhay pa siya at isa lamang itong “experiment” para makita kung gaano karami ang dadalo sa kanyang libing. Galit na nagsialisan ang mga tao sa chapel.

Kumalat ang kuwentong ito sa Brazil hanggang sa ­umabot ito sa national news. Sa pa­nayam ng mga news agency kay Lemos, napag-alaman na pati ang kanyang immediate family ay walang kaalam-alam sa “experiment” niyang ito.

Kahit humingi na ng paumanhin, galit pa rin ang ilan sa kanyang kamag-anak dahil nag-alala ang mga ito sa 80 anyos na ina ni Lemos na maaaring inatake sa puso dahil sa peke niyang pagkamatay.

Nag-viral sa mga social media websites ang kalokohan niyang ito at kasalukuyang pinuputakte ng bashers si Lemos. Maraming netizens ang nagsasabi na baka wala ng dadalo at makikiramay sa kanyang libing sa oras na magkakatotoo na ang kanyang pagkamatay.

 

vuukle comment

WAKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with