^

Punto Mo

Ex-cop sa ­Dacer-Corbito case, na-wow mali!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

KUMUHA si ex-cop William Reed ng driver’s license sa Pulilan, Bulacan para makapagpasada ng tricycle at matustusan ang pantawid gutom ng kanyang pamilya. Nag-apply din siya ng national ID. ‘Yun ang pagkakamali ni Reed. Dahil sa ginawa niya, na trace siya ng mga pulis sa pangunguna ni Lt. Col. William Sy, hepe ng Regional Special Operations Group (RSOG) ng NCRPO at inaresto siya sa kasong double murder kina PR man Salvador “Bubby” Dacer at driver na si Emmanuel Corbito. Halos 22 taon ding nagtago si Reed at hindi niya akalain na sa konting pagkamali ay na-trace at naaresto siya ng mga tauhan ni NCRPO chief Maj. Gen. Jonnel “Esto” Estomo. Hehehe! Nadagdagan na naman ang “feathers in the cap” ni Estomo, di ba mga kosa? Ano kaya ang plano ni Interior Sec. Benhur Abalos kay Estomo? Dipugaaaaa!

Masyadong controversial ang kaso nina Dacer at Corbito na kinidnap ng kalalakihan sa Makati City noong Nov. 24, 2000. Maraming personalities ang nakasuhan dito at kabilang na si ex-PNP chief at Sen. Ping Lacson na pinawalang sala naman. Ayon kay Col. Sy, si Reed, gamit ang pekeng passport, ay tumakas at nagtungo sa Hong Kong noong 2001. Pabalik-balik lang siya sa Hong Kong at China hanggang ma-deport sa Pinas noong 2007. Sinabi ni Sy na hindi napansin si Reed sa kanyang pagbalik sa Pinas dahil sa pekeng passport. Lingid sa kaalaman ni Reed, nagpalabas ng arrest warrant laban sa kanya si Judge Rodolfo Ponferrada ng RTC Branch 41 ng Manila at inirekomendang no bail para sa kanya. Dipugaaaaa! Hehehe! Napabilang si Reed sa most wanted persons (national level) at may reward na P250,000. Eh di wow!

Sinabi ni Sy na pagdating niya sa Pinas, si Reed, na tubong Angeles City ay nagtago sa Region 3. Kasama ang kanyang pamilya lumipat si Reed sa Pulilan. Para tustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya, umaasa lang si Reed sa tulong ng kanyang classmates at pagpasada ng tricycle. Dahil nag-expire ang kanyang driver’s license, nagpa-renew si Reed at nag-apply din ng national ID kung saan natunugan siya ng tropa ni Sy.

Pinuri ni Estomo ang RSOG-NCRPO, RIU7 Cebu City, Pulilan MPS, RIU3, RIU NCR, CTG IG, TSD IG, Cebu CIU, at Cebu CPO sa maagap na pagkaaresto kay Reed. Hehehe! Ang buong akala ni Reed ay nabaon na sa limot ang kanyang kaso kaya lang na “wow mali” siya. Dipugaaaaa!

“I am overwhelmed with their extraordinary feat that after 22 years of hiding before the law, the accused is now apprehended and the victims and their families will be catered with justice,” ani Estomo sa kanyang mensahe sa mga arresting officers. “I admire the dedication of our operating units in the fight against all forms of criminality, particularly on the arrest of Most Wanted Person. What they have achieved is a remarkable accomplishment on our part and a relief to all the victims of this person,” dagdag pa ni Estomo. Eh di wow!

Ano kaya ang role ni Reed sa Dacer-Corbito murders? Abangan!

EMMANUEL CORBITO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with