Lalaking online seller, siya mismo ang nagmo-model ng paninda niyang mga pambabaing sapatos na de takong!
ISANG 41-anyos na lalaki sa China ang kumikita ng malaki sa pag-online selling ng high heeled shoes dahil siya mismo ang nagmo-model ng mga ito!
Ayon sa isang research, ang online live selling ay isang multi-billion industry sa China. Dahil dito, napakahigpit ng kompetisyon at kailangang mag-isip ng kakaibang gimik para makabenta ng paninda ang mga online live sellers.
Isa sa nakapukaw ng pansin ng Chinese netizens ngayon dahil sa unique niyang gimik ay ang online seller na may username na “Uncle Wu”. Nag-viral siya matapos na siya mismo ang nagmodelo ng mga paninda niyang pambabaing sapatos na matataas ang takong!
Bukod sa gusto niyang magpakuwela sa netizens, naisipan niyang siya mismo ang mag-model ng high heeled shoes para ipakita sa potential buyers na matibay ang kanyang mga panindang sapatos.
Dahil sa kakaibang gimik na ito, umabot sa 1.2 million ang kanyang subscribers at umaabot sa 6 million yuan ang kanyang monthly sales.
Sa panayam kay Uncle Wu ng isang local news agency, hindi ito ang unang venture niya sa online selling. Sinubukan na niyang magbenta noon ng cake ngunit hindi ito naging matagumpay. Sinubukan niya muling magtinda online ng kurtina ngunit nalugi ito. Sa ikatlo niyang subok na pagbebenta ng sapatos, naging matagumpay ito sa tulong ng unique na gimik at walang sawang pagtitiwala sa sarili.
- Latest