^

Punto Mo

Babae sa U.K., kinasuhan matapos magpadala ng libu-libong text messages sa ex-boyfriend!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG babae sa United Kingdom ang binigyan ng restraining order matapos siyang ireklamo na wala itong tigil sa pagtawag at pagpapadala ng text message sa kanyang ex-boyfriend.

Pinagbawalan ng korte ang 28-anyos na si Michelle Felton na lapitan, tawagan at i-text ang ex-boyfriend niyang si Ryan Harley sa loob ng isang taon at anim na buwan.

Nagisimula ang relasyon nina Felton at Harley noong Mayo 2020. Nakipaghiwalay ang lalaki kay Felton noong Pebrero  2022 nang maramdaman nito na toxic na ang kanilang relasyon. Hindi pumayag si Felton na maghiwalay sila at dito nagsimula ang pangha-harass niya kay Harley.

Simula nang magkahiwalay, hindi na tinantanan ni Felton si Harley sa pamamagitan ng pagtawag at pagpapadala ng text message dito. Umaabot sa 120 missed calls at text messages per day ang pinapadala ni Felton.

Napuno na si Harley nang umabot sa punto na basta na lang dumadalaw sa kanyang tahanan ang ex-girlfriend at nag-iiwan ito ng mga regalo sa labas ng kanyang pintuan. Dahil natakot sa kanyang seguridad, inireport na niya sa pulis si Felton.

Matapos ireklamo, agad umamin sa kasalanang harassment si Felton. Umamin din siya sa napakaraming text messages na pinadala niya na umabot sa mahigit 1,000.

Bukod sa restraining order, pinarusahan din si Felton ng isang taon at anim na buwan na community service.

SPAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with