^

Punto Mo

Powerful life lessons

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Ang tatlong tao na hindi mo dapat kalimutan: 1) Ang hindi nang-iwan sa panahong naghihirap ka; 2) Ang nang-iwan noong naghihirap ka na; at 3) Ang nagpahamak sa iyo kaya ka nasadlak sa mahirap mong kinalalagyan.

Unawain mo kung hindi ka kaagad mapatawad ng taong pinagkasalahan mo. Dapat mong malaman na anim hanggang walong buwan ang kailangan ng utak upang maproseso ang pagpapatawad sa nanakit ng kanyang kalooban.

Paano mo haharapin ang toxic na kapamilya. Kapag kinompronta ka, stay calm, stay relax. Huwag mag-react. Hayaan mo siyang tumalak. Kapag tapos na siyang magsalita. Bow your head. At talikuran siya.

Huwag kang magsasalita ng negatibo tungkol sa iyong sarili kahit pa ito ay biro lamang. Hindi alam ng iyong katawan kung ano ang pagkakaiba ng biro sa totoo. Nagre-react ang ating katawan sa anumang iniisip at sinasalita natin. Ang sinasabi natin ay nagsisilbing sumpa. Kaya kung susumpa ka rin lang, dapat ito ay positibo.

Ang pagkaing hindi mo gusto noong bata ka pa ay may tsansang maging paborito mo pagtanda mo. Tuwing ikapitong taon ng iyong buhay, ang taste buds natin ay nagbabago.

Ang paglilinis ng iyong kuwarto ang first step upang baguhin mo ang iyong buhay.

Kung gugustuhin, kakayanin.

Kung hindi siya sumagot, iyon mismo ang kanyang sagot.

LESSON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with