^

Punto Mo

Maari bang makasuhan dahil sa pagsasampa ng demanda?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Plano ko pong sampahan ng kasong estafa ang nanloko sa akin. Tanong ko lang po kung maari ba akong sampahan ng suspect sakaling hindi ako manalo sa kasong isasampa ko laban sa kanya?—Michael

Dear Michael,

Puwera na lang kung wala talagang basehan ang iyong reklamo at isinampa mo lang ito dahil sa pagkakaroon mo ng masamang motibo, hindi ka dapat mangamba sa pagsasampa ng kaso lalo na kung sa tingin mo ay naagrabyado ka.

Ayon sa  Korte Suprema sa kaso ng Auyong Hian v. Court of Tax Appeals (G.R. No. L-28782, 12 September 1974), isang karapatan ang pagsasampa ng reklamo at walang maaring maperwisyo mula sa paggamit ng mga karapatang ipinagkaloob sa atin ng batas.

Ngunit katulad ng nauna kong nabanggit, kailangang may­roong basehan ang iyong isinampang kaso. May krimen kasing­ kung tawagin ay malicious prosecution at maaring mademanda ang siyang nagsampa ng kaso kung may (1) malisya o masamang motibo sa likod ng pagsasampa ng kaso at (2) wala ang tinatawag na probable cause o basehan para sabihing may naganap na krimen at ang sinampahan ng kaso ang siyang may gawa nito.

Kaya wala ka dapat ikatakot kung may ebidensya ka namang nakahandang ipresenta para sa reklamong isasampa mo at ang iyong pagdedemanda ay para lamang ipaglaban ang iyong mga karapatan na nilabag ng sinasabi mong nanloko sa iyo.

DEMAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with