^

Punto Mo

Eskuwelahan sa U.S., isinara dahil sa pananalasa ng mga gagamba!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ITINIGIL ang mga klase sa isang middle school sa Manitowoc, Wisconsin dahil ilan sa mga estudyante at guro rito ay kinagat ng mga gagamba!

Sa liham na pinadala ng principal sa mga magulang at staff ng Wilson Middle School, mababasa rito na pansamantalang isinara ang paaralan dahil sa Yellow Sac spider infestation na nagaganap sa campus.

Ayon sa pag-aaral, ang mga Yellow Sac spiders ay kilalang mahilig mangagat ng tao. Hindi makamandag ang gagambang ito ngunit napakahapdi nitong kumagat. Ang mga nakagat nito ay maaaring makakaranas ng pamamaga, rashes, muscle cramps at pagkahilo.

Nagsimula ang insidente kung saan may isang estudyante na dinapuan ng gagamba sa kanyang braso habang nakikinig sa lecture ng kanyang guro. Nang pinalis ng estudyante ang gagamba, nakaramdam ito ng pangangati at pamamaga sa kanyang kamay at braso.

Ang isa pang insidente ay nang isang guro ang nakaranas din ng pangangati at pamamaga sa kanyang kamay matapos itaboy ang nakita niyang gagamba sa kanyang desk sa faculty room.

Ang parehas na insidente ay mabilis nabigyan ng first aid sa school clinic at agad ding nawala ang pamamaga at pangangati ng kagat ng gagamba. Dahil dito, nagpasya ang management ng paaralan na suspendihin ang klase at ipasara sa publiko ang buong campus habang may pest control na nagtatrabaho rito.

Mahigit 30 gagamba ang natagpuan sa iba’t ibang classroom na matagumpay namang napuksa ng pest control. Sa kasalukuyan, balik na sa normal ang mga klase sa buong paaralan.

 

SPIDER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with