^

Punto Mo

EDITORYAL – Bantayan ang Maharlika

Pang-masa
EDITORYAL – Bantayan ang Maharlika

MABILIS na pinagbotohan ang House Bill 6608 (Maharlika Investment Fund). Anim na mamba­batas lamang ang tumutol samantalang 279 ang pumabor. Ito umano ang pinakamabilis na panukalang batas na inaprubahan ng mga miyembro ng House of Representatives. Mahigit dalawang linggo lang mula nang ipanukala noong Disyembre 2 at siner­tipikahang urgent ni President Ferdinand Marcos Jr., mabilis pa sa alas kuwatrong aprubado agad sa House. Wala nang cheche bureche pa. Ang bilis talaga!

Nang unang pumutok ang Maharlika, maraming mambabatas ang nagpahayag nang pagtutol dito at nagsabing hindi ito magiging batas, subalit sa araw ng botohan, marami ang “bumaliktad” at nagpahayag ng pagsang-ayon. Maski si Banko Sentral ng Pilipinas­ Governor Felipe Medalla ay nagbago na rin ng tono ukol sa Maharlika at sinabing makaaakit ito ng foreign investment pero nagpaalala naman siya na dapat itong mabantayan at magkaroon ng kaukulang safeguards.

Kung sa House of Representatives ay madaling naipasa ang Maharlika, posibleng madali rin itong makalulusot sa Senado. Dalawang senador lang ang nakikitang tutol sa Maharlika at ang iba ay nagpahayag na ng pagsang-ayon dito. Pero sabi ni Senate­ President Juan Miguel Zubiri, titiyakin niya na daraan sa butas ng karayom ang Maharlika dahil bubusisiin ito nang todo. Hindi aniya ito basta-basta makakalusot. Isa umano sa kanilang bubusisiin sa Maharlika ay saan kukuha ng pondo lalo pa’t binawi na ng mga kongresista ang unang plano na kukunin sa SSS at GSIS ang pondo.

Masyadong minadali ang Maharlika para ma­ipasa. Sa pagmamadali ay hindi maipaliwanag nang malinaw kung saan mag-i-invest. Anong mga negosyo ang paglalagakan ng pondo at gaano kasiguro na magtatagumpay. Paano kung malugi? Hindi dapat minadali ang Maharlika. Sa pagmamadali ang kadalasang bunga ay mga pagkakamali.

Nararapat bantayan ang Maharlika. Kahit na hindi sa SSS at GSIS kukunin ang pondo, nararapat pa rin itong bantayan sapagkat pera pa rin ng taumbayan ang paghuhugutan.

INVESTMENT FUND

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with