^

Punto Mo

Maari na bang magreklamo dahil hindi pa naibibigay ang 13th month pay?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Ayon sa management po ng kompanya ay mukhang malabo raw na maibigay ang 13th month pay namin dahil may kailangang bayaran daw na utang ang kompanya. Puwede na ba naming i-re­k­lamo ang kompanya namin?—Mimi

Dear Mimi,

Nakasaad sa Presidential Decree (PD) No. 851 na kailangang nabayaran na ng employer ang buong halaga ng 13th month pay ng kanilang mga empleyado pagpatak ng December 24.

Binigyang-diin din ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang deadline na ito noong 2020 nang kanilang inisyu ang Labor Advisory No. 28-2020 kung saan mariin na pinapaalalahanan  ang lahat na walang employer ang maaring humiling ng exemption o kahit ng palugit man lang sa pagbabayad ng 13th month pay.

Base sa mga nabanggit, malinaw na dapat ay natanggap na ninyo ang inyong 13th month pay pagsapit ng December 24 sa kabila ng kung anumang utang na kailangang bayaran ng inyong kompanya.

Ibig ding sabihin, mayroon pa hanggang sa nasabing petsa ang inyong kompanya para bayaran ang inyong 13th month pay. Ang maipapayo ko ay hintayin n’yo na lamang na sumapit ang December 24 bago n’yo pagpasyahan kung maghahain ba kayo ng reklamo laban sa inyong kompanya.

Ayon sa iyong paglalahad ay mukhang hindi rin naman tiyak ang management na hindi talaga nila mababayaran ang 13th month pay ninyo. Mas mabuti kung bigyan niyo na rin muna ng sapat na pagkakataon na tumupad sa kanilang obligasyon ang inyong employer bago kayo magdesisyon kung tuluyan n’yo na silang irereklamo sa mga kinauukulan.

13TH MONTH PAY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with