^

Punto Mo

Museo ni Gov. Lingad sa Pampanga, bukas na!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH report: Pasisinayaan ngayon sa Lubao, Pampanga ang museum ni Jose B. Lingad kasabay ng paggunita sa kanyang 42nd death anniversary. Ang museum ay naglalaman ng mga memorabilia ng dating gobernador at isa sa mga iginagalang na anak ng Pampanga. Bukod sa pagiging gobernador ay nanungkulan din siya bilang congressman, commissioner ng Bureau of Internal Revenue at Bureau of Customs. Naging secretary ng Department of Labor and Employment at Department of National Defense rin siya. Kinilala din si Lingad bilang “political kingpin” ng Pampanga.

Ang museum ay maituturing na legacy ng kanyang bunsong anak at dating Pampanga 1st district Rep. Emigdio “Emy” Lingad. Para sa mga residente ng Pampanga at kalapit na lugar, ang bagong tayong museum ay magiging magandang pasyalan na magbibigay daan sa pagbabalik tanaw ng kasaysayan at dagdag kaalaman. Imbitado sa event si dating House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte Jr.

• • • • • •

May katwirang magsaya at magyabang si Interior Sec. Benhur Abalos matapos maisulong pataas ang kakayahan sa trabaho ng kanyang opisyales at 5th Best National Government Agency na may pinakamataas na Career Executive Service Performance Evaluation System (CESPES). Nasungkit kasi mga kosa ng DILG ang 90 percent compliance rate para sa 2021 at Top 5 NGAs na may highest CES occupancy rate na 58.10 percent as of September 30, 2022.

Ayon kay Abalos, ang dalawang awards ay testimonya ng suporta ng DILG sa hakbangin ng CESB na itaas at pagpaunlad ng kakayahan ng trabahador ng gobyerno. Kasama na rito ang mahalagang kontribusyon sa digitalization ng CESPES, lalo na sa pagtalaga ng CES Officers (CESO) at CES Eligibles (CESEs) sa career position ng departamento. Eh di wow!

Pinasalamatan ni Abalos ang CESB sa pagbigay kahalagahan sa hard work at dedikasyon ng DILG na itaas ang lebel ng competence ng human capital at pagtaguyod para ang trabahador ay maging relieable civil servants. Dipugaaaaa! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

“Moving forward, DILG ensures that we will continue enhancing the skills, knowledge, working conditions and career development of our employees to live up to the Department’s brand of public service - one that is ‘matino, mahusay, at maaasahan’—and take part in the realization of the development goals of the Marcos administration,” ayon kay Abalos.

Aniya, ang recognition ay tanda ng committment ng DILG na itaguyod ang mataas na pamantayan ng quality mnagement system sa pagdeliber ng efficient technical at administrative services, promote good local governance para makamtan ang clients satisfaction. Dipugaaaaa! Nosebleed na ako eh! Konting tiis pa!

Itong CESPES ay isang official semestral performance evaluation system para sa miyembro ng CES na nagsilbing basehan para sa mga aksiyon ng empleado tungo sa promotional appointments, salary adjustments at pagbibigay ng incentives. Hayan, nayari rin. Dipugaaaaa! Congrats kay Abalos at sa lahat ng mga opisyales ng DILG. Abangan!

LINGAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with