Life facts (Part 3)
• Kapag ang babae ay nagpakita na nahihiya siya sa lalaking first time lang niyang nakadaupang palad, senyales ‘yun na attracted siya sa lalaki. Kung hindi nahihiya, ibig sabihin ay walang dating sa kanya ang lalaki.
• Kapag gusto nang makipag-break ng lalaki, lahat na lang ng bagay ay inirereklamo niya. Lagi siyang hahanap ng butas para masisi ka. Nagiging bungangero siya sa iyo. Samantalang kapag gusto nang makipaghiwalay ng babae, super tahimik lang siya kahit ano pang kapalpakan ang gawin ng lalaki sa buhay niya.
• Ang pagmamahal sa taong hindi ka naman mahal ay maihahalintulad sa pagyakap sa cactus. Kapag hinihigpitan mo ang yakap sa kanya, mas lalong dumidiin ang tusok ng tinik sa iyong dibdib.
• Kapag ang iyong bagong kakilala ay nagpaparamdam na siya ay single, matapos niyang malaman na single ka rin, kadalasan ay senyales ‘yan na attracted siya at interesado sa iyo.
• Bakit sa panaginip ay hindi nagkakaroon ng eksena na nagbabasa ka? Hindi maaaring magkasabay ang pananaginip at pagbabasa dahil iyon ay ginagawa sa magkaibang parte ng utak. Hindi puwedeng magsabay magtrabaho ang magkaibang bahagi ng utak.
• May paniwala ang karamihan na kapag nakilala natin ang Mr. Right/Miss Right or soulmate, tayo ay nakakadama ng saya ngunit may pagkaba ng dibdib, pangangatal ng kamay, panghihina ng tuhod. Walang katotohanan ito ayon sa Buddhism. Kapag nakaharap natin ang tunay nating soulmate, masaya tayo pero kalmado. No anxiety. No agitation. Ganoon lang kasimple.
- Latest