^

Punto Mo

Mambabatas at ­alagad ng batas ang ­bumabastos sa batas!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

HINDI pa nawawala ang sindak ng mamamayan sa Oplan Tokhang sumasalida na naman ang mga biyahero ng illegal drugs. Sa airport ba o sa pier nagdaraan?

May mga natimbog sa buy-bust operations ang PNP sa mismong opisina ng ­Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Taguig City. Ang nahuli ay si PDEA chief Enrique Lucero at dalawang tauhan nito.. Alagad ni Hudas di ba?

Una rito, may dalawang hindi pinangalanang matataas na PNP officials ang nabalitaang tumapyas sa nahuling bulto ng shabu ayon kay PNP chief Lt. Gen. Rodolfo Azurin. Ayaw namang i-marites ni Azurin ang mga pangalan ng mga kampon ni Barabas. He-he!

Nakaimbudo ang bilyones na salapi sa kamay ng mga druglords at nailalabas nila ito ng bansa natin, kaya nagkukulang ang salaping dumadaloy sa sirkulasyon nang maliliit na mangangalakal. Isang dahilan ‘yan kung bakit mataas ang inflationary rate ng Pilipinas. Mas marami ang perang umiikot pero hindi umaayuda sa produksyon nang pangkalahatang lokal na industriya.

Kawangis din nang mga nagsulputang mga simbahang nagtuturo ng batas ng Diyos, kumukolekta ng ikapu at cash donations sa mga relihiyosong kababayan natin, pero ipinadadala naman nila ang malaking bahagi ng koleksyon nila patungo sa main churches nila sa ibang bansa. Money laundering din ang ganito, tama ba Hestas?

Bukod sa smugglers at mga simbahan na sa labas ng bansa ang headquarters, may mga pulitiko rin na ang nakukurakot nila dito ay sa ibang bansa nakadeposito. Ang tatlong ito ang bumabalda sa ekonomiya natin. Aber, tingnan nga natin ang galing ng mga economic managers ni BBM kung kaya nilang ipaglaban ang batas?

OPLAN TOKHANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with