Bilyonaryo sa U.S., inilibre lahat ang kanyang mga empleyado sa Disneyland!
ISANG billionaire CEO ang nagbigay ng all expense paid vacation sa Walt Disney World para sa lahat ng tauhan ng kanyang kompanya. Ito ay bilang pasasalamat sa kanyang mga empleyado na nagtrabahong mabuti ngayong 2022.
Ayon sa isang American news agency, kasama sa mga nilibre ng CEO na si Ken Griffin ay ang pamilya ng kanyang mga employees.
Si Ken Griffin ay ang CEO ng kumpanyang Citadel LLC, isang multinational hedge fund and financial services company. Ayon sa Forbes, nagkakahalaga si Griffin ng $31.7 billion. Siya ang 40th richest person in the world.
Hindi lamang entrance ticket sa Disneyland ang ipinamahagi ni Griffin, sinagot din ng CEO ang plane ticket ng kanyang mga empleyado at mga pamilya nito na nakatira sa New York, Houston, Paris at Zurich. Siya rin ang nagbayad ng hotel, parking ticket at mga pagkain. Bukod dito, pati concert tickets ng bandang Coldplay ay ipinamigay ng CEO.
Sa panayam sa spokesperson ng Citadel LLC, sinabi nito na mahigit 10,000 katao ang inilibre ni Griffin sa tatlong araw na bakasyon sa Walt Disney World sa Florida. Dagdag pa nito, ang all-inclusive vacation na ito ay paraan ni Mr. Griffin para pasalamatan ang lahat ng kanyang empleyado sa kanilang kasipagan at para ipagdiwang ang market success ng kompanya ngayong taon.
- Latest