^

Punto Mo

Babae sa China, nabalian ng tadyang nang kumain ng maanghang na pagkain!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

SA report ng isang local news agency sa China, nabalian ng tadyang ang isang 24-anyos na dalaga sa Shanghai matapos itong ubuhin dahil sa kinaing spicy food!

Sa kuwento ng dalaga na itinago sa alyas na “Miss Huang”, kumakain siya ng spicy food nang inubo siya nang matindi dahil sobrang anghang nito.

Habang matindi ang kanyang pag-ubo, nakarinig siya ng paglagutok sa kanyang dibdib at agad siyang nakaramdam ng mahapding pananakit sa dibdib sa tuwing siya’y humihinga at nagsasalita.

Ang unang akala ni Miss Huang, siya’y na-stroke kaya tumawag siya ng ambulansiya na magdadala sa kanya sa pinakamalapit na ospital.

Sa tulong ng CT scan, nakita na mayroon siyang apat na fractured ribs. Bukod dito, isinailalim siya sa bone density test at normal naman ang kanyang mga buto. Sa check-up na isinagawa sa kanya ng thoracic surgeon, doon nalaman na ang pagkabali ng kanyang tadyang ay dahil sa poor musculature.

Si Miss Huang ay may tangkad na 5 feet 8 inches at may timbang na 125 lbs. Sa sobra niyang kapayatan mabilis maaninag ang ribs sa kanyang balat. Dahil walang muscle na sumusuporta sa kanyang mga buto, mabilis siyang mabalian ng ribs dahil sa simpleng pag-ubo.

Binalaan si Huang ng kanyang doktor na kung hindi siya magpapataba, mauulit ang fracture sa kanyang ribs sa tuwing siya’y uubuhin nang malala.

Sa kasalukuyan, kailangang magsuot ni Miss Huang ng medicinal corset sa kanyang torso habang hinihintay gumaling ang kanyang tadyang. Matapos ng kanyang treatment, pinaplano na niya ang pagdagdag ng timbang.

SPICY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with