^

Punto Mo

Kaso ng 34 missing sabungeros, lumilinaw na! — Gen. Lee

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

LUMILINAW na ang kaso ng 34 missing sabungeros. Ito ay matapos makakuha ng celfone video ang mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group kung saan makikita ang dalawang kalalakihan na bitbit ang nakaposas na lalaki habang naglalakad sa labas ng sabungan sa Sta. Cruz, Laguna noong Abril 28, 2021.

Ayon kay CIDG director Maj. Gen. Ronald Lee ang nakaposas na lalaki ay si Michael Bautista na kinilala ng kanyang asawa at kapatid na lalaki. Hindi nagkamali ang dalawa na si Bautista ang lalaki dahil sa kanyang haircut, body built at higit sa lahat, ang kanyang personal belongings. Tinawag ni Lee na major breakthrough ang celfone video sa kanilang patuloy na imbestigasyon sa kaso ng missing sabungeros na ginawa niyang priority matapos siya mahirang sa CIDG.

“Hindi natin ito nilubayan o isinantabi, ang CIDG ay patuloy na naghahanap ng mga ebidensiya at mga saksi na makakatulong sa paglutas ng insidenteng ito,” ang pangako pa ni Lee. Dipugaaaaa! Hehehe! Walang atrasan na itong CIDG sa kaso ng missing sabungeros, no mga kosa? Mismooooo!

May lead na ang CIDG sa pagkakilanlan ng dalawang lalaki base sa computerized facial composites nila. Kasalukuyang ipinasailalim sa enhancement ang celfone video ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) para maging malinaw ito at siguraduhin na makilala ang suspects.  “Kinakailangan pa rin nating ipa-enhance yung video upang ma-establish nating mabuti ang pagkakakilanlan nung mga suspek na hinihinalang mga pulis,” ang dagdag pa ni Lee.

Kinunan na ng statements ng CIDG Regional Field Office 4-A ang asawa at kapatid ni Bautista habang iniutos ni Lee ang pagsampa ng kaukulang kaso laban sa dalawang suspects. Eh di wow! Hak hak hak! Kahit sandamukal pa ang pitsa ng nasa likod ng krimen na ito, malapit na n’ya itong pagdusahan, di ba mga kosa? Mismooooo! Hehehe! Makakatulog pa kaya s’ya ng mahimbing? Dipugaaaaa!

Matatandaan na sinampahan ng kaso ng CIDG ang walo katao, kasama dito ang limang pulis, at ilan pang John Does bunga sa pagkasangkot nila sa pagdukot kay sabong afficionado na si Ricardo Lasco sa Manila Arena na pag-aari ng gambling lord na si Charlie “Atong” Ang. Itong mga 34 missing sabungeros ay pinagsuspetsahan na nandaya o lumaban ng dispalingadong manok, o tiyope, na ikinagalit ng mga financiers ng e-sabong. Dahil sa kaso ng missing sabungeros, ipinasara ni Tatay Digong ang e-sabong kahit na nag-aakyat pa ito ng P5 bilyon na kita sa gobyerno.

Itinuloy ni President Bongbong Marcos ang sinimulan ni Tatay Digong subalit nitong nagdaang mga araw ay nagbukasan ang traditional sabong. Ang malungkot lang, gumagamit ng camera ang mga operators ng sabungan kaya’t kahit hindi naka-live stream ang laban sa Pinas, ang mga Pinoy sa abroad naman ang target. Sa sitwasyon na ito, dinadaya ng mga operators ng sabungan ang gobyerno ni BBM dahil hindi sila nagbabayad ng tamang tax. Eh di wow!

Kailangan talaga ng kamag-anak nitong 34 missing sabungeros na mag-ingay para hindi mabaon sa limot ang kaso. Abangan!

CIDG

SABUNGERO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with