^

Punto Mo

Kailangan pa bang mag-hearing kung magtatanggal ng ­empleyado?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Hindi na po ba kailangan ng hearing para sa termination ng empleyado? Tatanggalin daw kasi ang asawa ko dahil raw sa mga absences niya pero hindi man lang magdadaos ng hearing ang HR nila. Sapat na raw na magpaliwanag siya in writing. Tama po ba iyon? —Annie

Dear Annie,

Sa Labor Code, hindi kailangan ang pagdaraos ng hearing samantalang sa ilalim naman ng Omnibus Rules para sa pagpapatupad ng Labor Code ay required o mandatory ito. Ang pagkakaibang ito ang isa sa mga isyung dinesisyunan sa Perez v. Philippine Telegraph and Telephone Company (G.R. No. 152048, 07 April 2009).

Ayon sa Korte Suprema, ang tanging requirement lamang sa ilalim ng Labor Code para sa mga kasong may kinalaman sa dismissal ng empleyado ay ang pagbibigay sa empleyado ng sapat na oportunidad para marinig ang kanyang panig. Walang nakalagay sa Labor Code na mandatory ang hearing katulad ng nakasaad sa Omnibus Rules at sa mga pagkakataong may pagkakaiba sa pagitan ng batas at ng mga patakaran o rules na nagpapatupad nito, ang batas ang siyang mananaig.

Hindi naman sa lahat ng sitwasyon ay hindi na required ang hearing para sa dismissal ng empleyado. Ayon rin sa Korte Suprema sa Perez v. Philippine Telegraph and Telephone Company, mandatory ang formal na hearing kung (1) hiniling ng empleyado in writing ang pagdaraos nito; (2) may mahahalagang isyu ukol sa mga ebidensya; (3) may patakaran ang kompanya para sa pagdaraos ng hearing o matagal nang nakagawian ang pagdaraos nito; at (4) iba pang mga kahalintulad na sitwasyon kung saan kinakailangan ang pagdaraos ng hearing. Kung alinman sa mga nabanggit ay applicable sa sitwasyong kinakaharap ng asawa mo ay maaring may karapatan siya na magkaroon ng hearing o pormal na pagdinig para sa kanyang kaso.

EMPLEYADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with