^

Punto Mo

Nang dalawin ng presidente ang reyna

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NOONG 1942, naging bisita ng White House  si Queen Wilhelmina ng Netherlands. Habang nagpapahinga sa kuwartong inilaan sa kanya, nakarinig siya ng taguktok ng sapatos sa labas ng kuwarto. Maya-maya ay may kumatok sa kanyang pintuan. Nasa isip niya ay  kanya itong assistant na may importanteng ibabalita sa kanya tungkol sa pag-uwi nila kinabukasan sa Netherlands.

Pagbukas niya ng pintuan ay isang matangkad, may balbas at payating lalaki ang bumungad sa kanya. Makaluma ang suot nitong damit pero mukhang kagalang-galang. Kaya lang, ang ipinagtaka ng reyna ay bakit ang katawan ng lalaki ay transparent? Hindi made of flesh ang kanyang katawan kundi parang glass or plastic na see through. At ang mas nakakagulat ay nakalutang ang paa niya at hindi nakalapat sa sahig. Sa puntong ito, naisip niyang hindi tao ang kaharap niya kundi isang multo. Ang reyna ay nagpakawala ng napakalakas na sigaw at saka hinimatay.

Hiyang-hiya ang first lady noon na si Eleonor Roosevelt. Nang matauhan ay humingi ito ng paumanhin sa reyna.

“Mrs. Roosevelt, sino kaya ang nagpakita sa akin?” naguguluhang tanong ng reyna.

“Si President Lincoln lang ang madalas magmulto rito kaya nahuhulaan kong siya ang nagpakita sa iyo. Gusto ka lang sigurong i-welcome dahil isang malaking karangalan na bisitahin kami ng isang reyna ng Netherlands. Hindi maaaring hindi siya magparamdam sa mga panauhing bumibisita rito sa White House lalo kung  mula sa ibang bansa.”

Hindi maiwasang mapangiti ni Queen Wilhelmina. Kinuha ni Mrs. Roosevelt ang isang portrait ni Abraham Lincoln at ipinakita ito sa reyna.

“Siya ba ang nakita mo?”

“Oo, siya nga ang nagmulto sa akin.”

Nakangiting nagsalita ulit ang first lady.

“Maraming nagmumulto dito pero si President Lincoln ang pinakaaktibo.”

 

QUEEN WILHELMINA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with