^

Punto Mo

Magaling din kayang guard ang misis ni Chito Loyzaga?

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

MASELAN ang gagampanang tungkulin ni DENR Sec. Maria Antonia Yulo Loyzaga dahil sa lawak nang nasasakupan ng kanyang tanggapan. Naging Technical Adviser ng Philippine Resilience Disaster Foundation si Loyzaga, kaya madali na niyang maisulong ang mga programang pangkalikasan. Misis siya ni Barangay Ginebra super guard Chito Loyzaga.

Nasa ilalim ng panga­ngasiwa ng DENR ang Bureau of Mines, Bureau of Forestry, Bureau of Lands, Bureau of ­Fisheries and Aquatic Resources at National Committee for Mineral Exploration. Kailangan lang guwardiyahan nang mahigpit ang mga maruming maglaro. Tama ba Coach Chito Loyzaga?

Maraming naging anomalya sa pagbibigay ng permiso sa Bureau of Mines at Bureau of Forestry na pinaniniwalaang dahilan nang malawakang pinsala sa pagkakalason ng mga ilog, sapa hanggang sa karagatan. Mga sakim na kapitalistang dayuhan na kakutsaba ng mga opisyales din ng gobyerno ang walang pakialam sa perwisyong dulot nila sa mamamayan.

Isang dahilan kung bakit hindi nakapasa sa Commission on Appointment noon ang namayapang DENR sec. Gina Lopez ay dahil sa adbokasiya nito na linangin ang kabundukan at karagatan upang mapanariwa ang kalikasan. Huwag lang magmamaniobra ang mga mambabatas na sangkot sa pagmimina at illegal logging, kayang ipagpatuloy ni Loyzaga ang ipinaglalaban ni Lopez.

Sagasaan ang dapat sagasaan alang-alang sa kalikasan. Bigyan lamang ng permiso ang mga mining firms na sumusunod sa alituntunin ng DENR ayon sa batas na umiiral. Alarmado na ang buong mundo dahil sa climate change at global warming. Malamang na kulangin tayo sa tubig na maiinom sa hinaharap kung hindi maitataguyod ang mga proyektong pangkalikasan. Bayan at Kalikasan ay Sagipin. BAKAS na!

CHITO LOYZAGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with