^

Punto Mo

Blanket na may mala-balahibong pusa kapag hinaplos, sold out agad sa Japan!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

INILUNSAD sa Japan ng clothing and houseware company na Nissen ang pinakanakakaiba nilang produkto, ang blanket na ang tela ay maihahalintulad sa balahibo ng pusa!

Batay sa pagsasaliksik at pag-aaral ng mga si­yentipiko, nakakabawas ng stress ang 10 minuto na paghaplos sa pusa. Dahil dito, naisipan ng kompanyang Nissen na maglabas ng blanket na kapag hinawakan ay para ka na ring humaplos ng alagang pusa.

Ayon sa spokesperson ng Nissen, ginawa nila ang blanket na “Neko Feel” para sa mga tao na gustong maranasang humaplos ng pusa pero walang kakayahan na magkaroon ng pusa. Sa inilunsad nilang survey, napag-alaman na marami ang nangangarap magkaroon ng alagang pusa ngunit marami sa mga ito ay allergic sa balahibo nito, samantalang ang iba ay hindi pinahihintulutan na magkaroon ng pusa dahil mahigpit ang apartment na inuupahan.

Nagsimula ang ideya ng kompanya na mag-imbento ng tela na mala-balahibong pusa dahil sa isa nilang empleyado na may no-pets policy sa kanyang apartment. Sa tulong ng ibang company employees na may pusa, nabuo nila ang Neko Feel na kayang gayahin ang balahibo ng pusa.

Nagkakahalaga ng 1,969 Yen ang single size blanket at 6,038 naman para sa double size blanket. Matapos ang launching ng Neko Feel, hindi inasahan ng Nissen na mabilis mauubos ang first batch ng kanilang blanket. Mabilis na-sold out ang unang batch at sold out na rin ang pre-order ng second batch.

BLANKET

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with