^

Punto Mo

Kitchen tips

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Ipantanggal ng dagtang dumikit sa daliri ang bagong slice na patatas.

Haluan ng bigas ang namumuong asin. Bigas ang sisipsip sa “moisture” na naging dahilan ng pamumuo.

Magtanim ng aloe vera sa paligid ng bahay o sa paso kung wala kang espasyo. Kung nagalusan ka o napaso, mag-slice lang ng kapirasong aloe vera at gel nito ang ipahid sa affected area.

Mas lalabas ang flavour ng fresh lemon juice kung hahaluan ito ng kaunting pinong asin bukod sa asukal na ihahalo mo dito.

l Mas mabilis maging yelo ang tubig na pinakuluan at pagkatapos ay pinalamig kaysa tubig mula sa gripo. Mainam itong gawin kung kailangan-kailangan mo na sa lalong madaling panahon ang yelo.

Ganito ang gawin kapag nagdikit ang dalawang basong magkasapin: Punuin ng ice ang loob ng baso. Tapos ilublob ang labas ng baso sa maligamgam na tubig.

Ang letsugas na gagamitin sa salad ay dapat na hugasan sa vinegar-water mixture (1 part of vinegar to 10 parts of water).

Kapag sinabing “isang kurot” sa recipe, ang ipangkukurot mo ay hinlalaki, hintuturo at middle finger at hindi hinlalaki lang at hintuturo.

Upang maging “crunchy” ang balat ng baked potato, ilaga muna ito sa tubig na may asin bago lutuin sa oven.

Kapag magluluto ng steak, iprito ito sa unsalted butter at hindi sa cooking oil. Dagdagan ng kaunting cooking oil ang butter upang maiwasan ang pag-usok ng butter kapag sobra na itong mataas ang temperature. Warning: Huwag gagamit ng margarine.

KITCHEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with